Barbie Forteza, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon sa kissing scenes ni Jak Roberto

Barbie Forteza, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon sa kissing scenes ni Jak Roberto

- Matapos mag-viral ang naging reaksiyon ni Barbie Forteza sa fake news tungkol sa umano'y paghihiwalay nila ni Jak Roberto, naisipan nilang gumawa ng reaction video sa kissing scenes ng aktor

- Marami ang naaliw kaya naman gumawa silang muli ng panibagong reaction video

- Sabay nilang pinanuod ni Barbie ang ilan sa mga kissing scenes niya sa mga serye at TV shows na kanyang nagawa

- Apat na taon nang magkasintahan ang dalawa at nitong Mayo ng kasalukuyang taon ay ibinahagi ni Jak ang kanyang anniversary message para kay Barbie

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi inatrasan ni Barbie Forteza ang panonood sa mga kissing scenes ng kanyang boyfriend na si Jak Roberto kasama ang kanyang mga naging leading ladies sa mga TV shows.

Barbie Forteza, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon sa kissing scenes ni Jak Roberto
Jak Roberto at Barbie Forteza (@jakroberto)
Source: Instagram

Kinaaliwan ng mga netizens ang reaksiyon at mga komento ni Barbie sa bawat eksenang sabay nilang pinanood.

Read also

Madam Inutz sa kanyang magiging future jowa: "Love me for who I am"

Ilan sa mga nakasama ni Jak sa mga pinanood nilang eksena ay sina Lauren Young at Klea Pineda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang komento ng ilang netizens:

Hahahaha!!! Laughtrip etong content nyo Jakbie..Yung intro pa lang good vibes ang sasalubong sa mga fans at mga viewers. Nakakatawa talaga reactions ni Barbie!! Nakaka intimate naman yung pag kiss ni Jak kay Barbie. I LOVE YOU BARBIE/JAK!! Keep safe always and God bless you both abundantly..
Napakacute talaga ni Madam mag react sa mga scene ni Jak
I really love the humor of Barbie, parang nakikita ko yung sarcasm at pagiging loka loka ko! Hahaha!

Si Barbie Forteza ay isang Kapuso actress na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga seryeng Nita Negrita, The Half Sisters, That's My Amboy, Inday Will Always Love You, Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at marami pang iba.

Read also

Brenda Mage, inaming ang kanyang ATM ang pinakamalaking naibigay sa kanyang BF

Taong 2009 nang pasukin ni Barbie Forteza ang showbiz at ang unang proyektong ibinigay sa kanya ay ang gumanap sa papel na batang Jodi sa local adaptationng sikat na Korean drama na Stairway to Heaven.

Apat na taon nang magkarelasyon sina Barbie at Jak. Gayunpaman, hindi sila nakakaligtas sa mga pang-iintriga kagaya ng iba pang mga showbiz couples. Kamakailan nga ay inalmahan ni Barbie ang fake news na hiwalay na umano sila ni Jak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel