Chad Kinis, masayang-masaya na nabili niya ang condo ni Giselle Sanchez

Chad Kinis, masayang-masaya na nabili niya ang condo ni Giselle Sanchez

- Masayang ibinahagi ni Chad Kinis na matapos niyang makapag-ipon ng pera ay nabili niya na ang condo unit na dati niyang naging tirahan

- Nais niya talaga umanong bilhin ang nasabing condo na pagmamay-ari ni Giselle Sanchez

- Noon ay inupahan ito ni Chad at mababa lamang umano ang siningil na upa ni Giselle sa kanya

-

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang YouTube channel, masayang ibinahagi ni Chad Kinis na nabili niya na ang condo unit na dati niyang tinirhan bago pa man sila magkaroon ng Beks Battalion house.

Beks Battalion, idinaan sa prank ang pagbibigay ng bonus sa kanilang karpintero
Beks Battalion (@beksbattalionshop)
Source: Instagram

Ang nasabing condo unit ay pagmamay-ari ng komeyanteng si Giselle Sanchez. Ani Chad, pinaupahan umano sa kanya noon ni Giselle ang kanyang unit sa abot-kayang presyo.

Naibahagi din ni Chad na si Giselle ang naging daan upang makapasok siya sa showbiz. Malaki umano ang naitulong nito sa kanya lalo noong nagsisimula pa lamang siya.

Read also

Andrea Brillantes, inaming ilang beses nang ginustong mag-quit sa showbiz

Balak naman ni Chad na ipaayos at pagandahin pa ang condo unit na aniya ay isang lugar na mahalaga sa kanya dahil doon siya tumira noong nagsisimula pa lamang siya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Beks Battalion ay binubuo nina Chad Kinis, Lassy at MC. Kabilang sila sa pinaka-tinatangkilik ngayon sa YouTube. Sila ay kabilang sa pinakaunang mga komedyanteng pinasok ang paggawa ng content sa YouTube.

Bilang mga sanay sa pagpapatawa, matapos ang pagsara ng mga comedy bars, marami sa mga stand-up comedian ang pinagpatuloy ang kanilang pagpapatawa sa pamamagitan ng YouTube.

Isa sa mga pinag-uusapang video na naggawa ng Beks Battalion ay ang kanilang house raid sa House of Tandem nina Super Tekla at Donita Nose.

Marami din ang naaliw nang ma-prank sila ni Ethel Booba sa isang Fake Swab Test.

Read also

Tiktoker na minura si Yorme Isko Moreno, napaiyak habang humingi ng dispensa

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel