Maika Rivera, umalma sa pandadawit sa kanya sa hiwalayang Aljur at Kylie

Maika Rivera, umalma sa pandadawit sa kanya sa hiwalayang Aljur at Kylie

- Matapos kumpirmahin ni Robin Padilla na hiwalay na ang mag-asawang Aljur Abrenica at ang anak niyang si Kylie Padilla, naging palaisipan sa mga netizens kung sino ang tinutukoy nito na third party

- Kabilang nga sa nadawit sa isyung ito ay ang kasalukuyang katrabaho ni Aljur sa isang pelikula na si Cindy Miranda

- Mariing pinabulaanan ng aktres na siya ang dahilan sa hiwalayan ng mag-asawa

- Ang dating miyembro ng grupong Girltrends na si Maika Rivera ay hindi din pinalampas ang pandadawit sa kanya sa isyu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa comment section ng Instagram post ni Kylie Padilla, ilang netizens ang nag-usap tungkol sa umano'y third party sa hiwalayang Kylie at Aljur Abrenica.

Matatandaang naging minit na usapin ang tungkol dito matapos aminin ni Robin Padilla ang matagal nang kumakalat na balita tungkol sa paghihiwalay ng mag-asawa.

Read also

Kim Chiu at Dani Barretto, nagkasukatan kung sino ang mas nakakakilala kay Bela

Maika Rivera, umalma sa pandadawit sa kanya sa hiwalayang Aljur at Kylie
Photo from Kylie Padilla (@kylienicolepadilla)
Source: Instagram

Kabilang sa nabanggit ni Robin ay ang tungkol sa third party isyu. Bilang katrabaho niya sa isang bagong pelikula, hindi nakaligtas si Cindy Miranda sa isyu. Gayunpaman, mariing pinabulaanan ito ng aktres.

Isa din ang dating miyembro ng grupong Girltrends na si Maika Rivera sa idinawit sa isyu. Kaya naman, agad nitong sinagot ang komento ng netizen at pinagsabihan ang netizen na siguraduhin munang totoo ang nasagap nitong chismis.

Maika Rivera, umalma sa pandadawit sa kanya sa hiwalayang Aljur at Kylie
Screenshot from Kylie Padilla's Instagram post (@kylienocolepadilla)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kylie Padilla ay isang Kapuso artist na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Engcantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan.

Matatandaang nag-ugat ang paglabas ng bali-balitang may problema ang mag-asawa matapos mapansin ng mga netizens na halos burado na sa Instagram ni Kylie ang mga litrato ni Aljur. Marami din sa kanyang post ang tila may kaugnayan sa pinagdadaaanan nila ni Aljur.

Read also

Heart Evangelista, ibinahaging 23 and a half inches ang sukat ng kanyang beywang

Kasunod nito ay napawi ang pangamba ng kanilang fans matapos ibahagi ni Kylie ang isang litrato kung saan kasama ni Aljur ang mga anak.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel