Melai Cantiveros at mga kasama sa bahay, kumasa sa "Bad Romance Challenge"

Melai Cantiveros at mga kasama sa bahay, kumasa sa "Bad Romance Challenge"

- Kinaaliwan ang video nina Melai Cantiveros kasama ang kanyang mga anak at kasamahan nila sa bahay

- Kumasa sila sa nauusong "Bad Romance Challenge" na sikat na sikat sa kasalukuyan sa social media

- Sa nasabing challenge, isa-isang kakanta ng isang bahagi ng kantang Bad Romance ni Lady Gaga ang bawat taong kasali sa challenge

- Kailangang makanta ng bawat isa ang intro ng nasabing kanta nang hindi natatawa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi nagpahuli ang TV host na si Melai Cantiveros at kanyang mga kasama sa bahay sa nauusong "Bad Romance Challenge".

Kasama ang kanyang dalawang anak na sina Mela at Stella, kumasa sila sa sikat na sikat na challenge.

Melai Centiveros at mga kasama sa bahay, kumasa sa "Bad Romance Challenge"
Melai Cantiveros (@mrandmrsfrancisco)
Source: Instagram

Sa nasabing challenge, kailangangang makanta ng bawat taong kasali ang intro ng awitin ni Lady Gaga nang hindi tumatawa. Umabot na sa mahigit apat na milyon ang views at halos 4 na libo ang comments sa video na ito na ibinahagi sa Melason YouTube channel.

Read also

Vlogger na si Via Austria, emosyonal na inamin ang problema sa pamilya; "naligaw ako"

Panuorin ang kanilang nakakaaliw na "Bad Romance Challenge" dito:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito naman ang reaksiyon ng mga netizens:

Grabe tawa ko. Napaluha din ako sa sobrang tawa. Nakaka wala ng pagod. Thank you and keep safe and God bless sa inyong families.
Nakakatanggal ng stress po kayo. Ang saya saya nyong panuorin. Lumuluha na ang mata ko. Sakit sa tiyan maluha-luha ako sa katatawa.
Hindi na talaga natapos yang "Bad Romance" na yan. Sakit na tiyan ko sa katatawa.

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Kamakailan, nag-viral ang pagbigay ni Melai ng sasakyan sa asawang si Jason. Ibinahagi ni Jason ang kanyang pasasalamat sa pamamagitan ng pag-post sa kanyang social media account.

Read also

Ogie Diaz, aminadong nasaktan sa mga fans noon ni Charice Pempengco

Samantala, Itinuturing ni Melai na "best" birthday gift para sa kanya ang video greeting mula sa idolong si Kristine Hermosa.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel