Serena Dalrymple, binati ng mga celebrities sa kanyang Instagram post

Serena Dalrymple, binati ng mga celebrities sa kanyang Instagram post

- Marami sa mga dating kasamahan ni Serena Dalrymple mula sa showbiz ang bumati sa kanya matapos nitong ibahagi ang litrato niyang may suot na singsing

- Kasama din niya sa nasabing litrato ang kanyang boyfriend na kanyang binati para sa kanilang anniversary

- Hindi man diretsahang sinabi ng dating child star na engaged na siya, marami ang naniniwalang ito ang nais niyang ipahahiwatig

- Kasalukuyang nakatira si Serena sa Amerika matapos niyang tumigil sa pag-aartista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bumuhos ang pagbati para sa dating child star na si Serena Dalrymple matapos nitong ibahagi ang picture nila ng kanyang boyfriend kung saan pinapakita nito ang suot na singsing.

Hindi man diretsahang sinabi ng dating child star, marami ang naniniwalang nag-propose na ang boyfriend nito kaya bumuhos ang "congratulations" para sa dalawa.

Serena Dalrymple, binati ng mga celebrities sa kanyang Instagram post
Serena Dalrymple (@sdalrymple)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post, isang maiksing mensahe lamang ang ibinahgi ni Serena para sa boyfriend para sa kanilang anniversary.

Read also

Paghingi ng tulong ng anak para sa amang may sakit, umantig sa mga netizens

Hindi naman naiwasan ng ibang mga tagahanga ni Serena ang mapabalik-tanaw sa mga naging pelikula ni Serena noong aktibo pa ito sa showbiz. Ilan lamang sa mga pelikulang kanyang nagawa noon ay Haba-baba-doo, puti-puti-poo!, Type kita, walang kokontra, Tik Tak Toys My Kolokotoys, at Wansapanataym.

Matatandaang tumigil siya sa pag-aartista noong 2004 ngunit muling naging bahagi ng pelikulang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat and Ang Tanging Ina Mo (Last na 'To!).

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Serena Gail Dalrymple o mas nakilala sa kanyang screen name na Serena Dalrymple ay nakilala sa showbiz bilang isang child star. Tumatak sa marami ang kanyang commercial ad para sa isang sikat na food chain.

Matapos niyang magpahinga sa showbiz, nanirahan siya sa ibang bansa. Kamakailan lang ay ipinagdiwang niya ang kanyang ika-30 na kaarawan.

Read also

Angeline Quinto, nawindang sa kanyang ka-date na siya pinagbayad sa restaurant

Naging usap-usapan din ang kanyang pagbahagi ng mga litrato niya kasama ang kanyang boyfriend.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel