Jamie Bautista at Anthony Leodones, usap-usapan dahil sa cryptic post ni Jamie
- Marami sa mga tagahanga nina Jamie Bautista at Anthony Leodones matapos mabasa ang mga post ni Jamie na tila may pinapahiwatig
- Dagdag pa dito ay wala na ring mga bagong post ang dalawa na magkasama sila kaya naging palaisipan sa kanilang mga tagahanga kung may pinagdadaanan ang dalawa
- Sa isang Facebook post ay ibinahagi ni Jamie ang isang broken heart emoji na lalong nagpa-igting sa hinala ng nababahala nilang fans
- Sina Jamie at Anthony ay mga YouTuber at social media stars na nakilala sa kanilang mga nakakatawang mga videos bilang magkasintahan
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matapos ang sunod-sunod na hiwalayan ng mga YouTube at social media couples, ikinabahala ng mga tagahanga nina Jamie Bautista at Anthony Leodones ang tila mga makahulugang post ni Jamie kamakailan sa Facebook.
Sa isang post ay ibinahagi niya ang isang broken heart emoji. Sa pinakabago niyang post ay nagbahagi siya ng mensahe.
When you want different for yourself, You have to start moving different. Old keys don’t unlock new doors
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Wala mang nababanggit na pangalan, ikinabahala ng kanilang mga tagasuporta at followers ang mga post na ito ni Jamie dahil wala na ring mga bagong post ang dalawa na magkasama sila.
Sina Jamie at Anthony ay mga YouTuber at social media stars na nakilala sa kanilang mga nakakatawang mga videos bilang magkasintahan.
Sa kasalukuyan, lalong naging malakas ang social media. Matapos ngang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN na maituturing na isa sa heganteng TV network sa bansa, unti-unting nasanay ang tao na manood na lamang sa internet kesa sa telebisyon.
Kaya naman, maraming mga influencers at social media personalities ang sumikat kagaya na lamang nina Alex Gonzaga, Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome at marami pang iba.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh