Lalaking 'di nakatiis at hiningi ang kinakain ng kapwa niya pasahero, kinagiliwan ng netizens

Lalaking 'di nakatiis at hiningi ang kinakain ng kapwa niya pasahero, kinagiliwan ng netizens

- Kinagiliwan ang TikTok video ng isang lalaki na lakas-loob na hiningi ang kinakain ng kanyang nakasakay sa van

- Makikita sa video na kahit kakaunti na ang mani na kinakain ng babae, ibinigay pa rin niya ito sa lalaking nanghingi sa kanya

- Kahit hindi kakilala, iniabot pa rin ng babae ang pagkain at sinabing "sa'yo na lang"

- Umabot na sa mahigit 47,000 ang likes ng nakakaaliw na video na ito na nagpapatunay ng pagiging mapagbigay ng mga Pinoy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naaliw ang maraming netizens sa Tiktok video ni Floyd Frederick Acedo @floydfrederickk kung saan hindi ito nakapagpigil na hingin ang kutkuting mani na kinakain ng isang babaeng nakasakay niya sa van.

Nalaman ng KAMI na kumakain ang pasahero sa loob ng sasakyan at bilang paboritong kainin ng mga Pinoy ang 'adobong mani' lalo na kung nagpapalipas oras, lakas loob na hiningi ni Floyd ang kinakain ng babae.

Read also

Wedding organizer na nagtago sa loob ng gown ng bride, kinagiliwan ng netizens

Nagulat man, napangiti na lamang ito at sinabing "sa'yo na lang" habang iniabot ang kakaunti nang mani sa maliit na paper bag.

"Cravings satisfied. Thank you po ate #fy" ang bahagi ng caption ni Floyd sa kanyang viral post.

Lalaking 'di nakatiis at hiningi ang kinakain ng kapwa niya pasahero, kinagiliwan ng netizens
Photo from Flickr
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Natuwa ang maraming netizens at sinabing nakaka-good vibes umano ang video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"E kasi naman ate amoy pa lang niyang nakakatakam na talaga"
"Hindi talaga nakapagpigil si Kuya, nanghingi na talaga"
"Hahahahaha. Natawa na lang si Ate e buti 'di siya madamot."
"Wala nga namang masama kung maglalakas-loob ka, o di ba? cravings satisfied tuloy si Kuya"
"Sharing is caring kasi. Nakaktakam nga namang kumain sa biyahe"
Umabot sa 47,000 ang heart react ng naturang post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Babaeng online gamer, ibinenta ang motor ng ama para sana makipagkita sa kanyang 'crush'

Buhat nang mag-pandemya at maisailalim ang iba't ibang lugar sa bansa sa community quarantine, TikTok na ang libangan ng mga Pilipino.

Marami rin sa ating mga kababayan na bagaman at kakasimula pa lamang sa TikTok noong nakaraang taon ay milyon-milyon na ang followers sa ngayon.

Isa sa mga kinagiliwang TikTok video kamakailan ay ang foreigner couple na napagtanungan ng isang Pinoy. Laking gulat nang marami na matatas na mag-Tagalog ang dalawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel