Cassy Legaspi, kinaaliwan sa reaksiyon niya sa post ng ka-kambal na si Mavy

Cassy Legaspi, kinaaliwan sa reaksiyon niya sa post ng ka-kambal na si Mavy

- Naging tampulan ng panunukso si Mavy Legaspi matapos nitong i-post sa Instagram ang bahagi ng mukha ng isang hindi pinangalanang babae

- Gayunpaman, marami sa mga netizens ang nakapansin ng pagkakahawig ng babae sa Kapuso star na si Kyline Alcantara

- Kinaaliwan ng mga netizens ang komento ng kakambal ni Mavy na si Cassy Legaspi sa nasabing post

- Naging palaisipan naman sa marami kung ano ang ibig sabihin ng pag-post ni Mavy ng naturang picture na pinaniniwalaang si Kyline

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging palaisipan sa mga netizens kung ano ang ibig sabihin ng pag-post ni Mavy Legaspi ng picture na nagpapakita ng kaunting bahagi ng mukha ng isang babae. Naging tampulan ito ng panunukso mula sa mga kapwa niya celebrities.

Cassy Legaspi, kinaaliwan sa reaksiyon niya sa post ng ka-kambal na si Mavy
Cassy Legaspi (@cassy)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jelai Andres, ipinasilip ang pangyayari sa likod ng camera sa OML taping

Kinaaliwan naman ang komento ng kanyang kakambal na si Cassy Legaspi. Tinawag pa nito ang kakambal sa kanyang buong pangalan na Maverick Peter.

Cassy Legaspi, kinaaliwan sa reaksiyon niya sa post ng ka-kambal na si Mavy
Komento ni Cassy Legaspi sa post ng kanyang kakambal (@mavylegaspi)
Source: Instagram

Samantala, marami sa mga netizens ang kumbinsidong si Kyline Alcantara ang babae sa picture na ibinahagi ni Mavy.

Narito ang mga reaksiyon ng mga netizens sa post ni Mavy:

Si Kyline yan halatang halata, pisnge palang ei. yiee bagay sila kasi may dimples silang dalawa
Mavy ano toooo? Baby ka lang the other week tas ngayon binata na agad? wahhhh kinikilig ako para sa inyo!
I'm guessing this is for your upcoming serye with Kyline.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Cassy Legaspi ay anak ng mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi. Mayroon siyang kakambal na lalaki, si Mavy Legaspi na napapanood din sa mga TV commercials.

Matatandaang kinakiligan din kamakailan ang palitan nila ng mensahe ni Darren sa Twitter. Marami din sa mga tagahanga ng tambalang Kyline Alcantara at Darren ang hindi masaya sa pagkakaugnay ng dalawa. Kamakailan nga ay binahagi ni Cassy na nakakatanggap siya ng death threats at hate messages.

Read also

Dating aktor na ngayon ay isa nang doktor na si Josh Santana, tinamaan ng COVID

Samantala, marami ang kinilig sa naging sagutang nina Cassy at Darren matapos batiin kamakailan ni Cassy si Darren para sa kaarawan nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel