Janella Salvador, masaya sa pagbabalik-trabaho niya matapos ang 15 buwan

Janella Salvador, masaya sa pagbabalik-trabaho niya matapos ang 15 buwan

- Masayang ibinahagi ni Janella Salvador ang kanyang picture sa kanyang muling pagbabalik sa pagtatrabaho

- Aniya, matapos ang 15 buwan ay muli siyang nakabalik sa pagtatrabaho at hindi niya ikinailang masaya siya

- Matatandaang matagal na nagpahinga sa showbiz si Janella at pumunta sa UK sa lugar ng kanyang kasintahang si Markus Paterson

- Matapos niyang manganak doon ay bumalik sila ng Pilipinas makaraan ang ilang buwan matapos siyang manganak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ng aktres na si Janella Salvador na muli siyang sumabak sa pagtatrabaho matapos ang kanyang 15 buwan ng pagpapahinga dahil sa kanyang pagdadalang-tao sa anak nila ni Markus Paterson.

Janella Salvador, masayang ibinahagi na balik-trabaho na siya matapos 15 na buwan
Photo from Janella Salvador (@superjanella)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya ay masaya siyang nakapagtrabaho siyang muli. Kalakip nito ay binahagi niya ang litrato niya na nakaayos at suot ang yellow na damit. Hindi naman na niya binanggit kung para sa anong palabas ang kanyang trabaho ngunit base sa kanyang ibinahaging picture ay sa ABS-CBN Broadcasting Center ito.

Read also

Jelai Andres, ipinasilip ang pangyayari sa likod ng camera sa OML taping

Today, I was finally able to work for the first time in fifteen months. #happyday

Marami sa kanyang mga tagahanga ang natuwa sa kanyang pagbabalik sa showbiz. Marami ang bumati sa kanya kabilang na ang ilang kasamahan niya sa showbiz industry.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Janella Salvador ay nakilala sa kanyang husay sa pag-awit at sa pag-arte. Naipareha siya kay Elmo Magalona sa teleseryeng "Born For You". Gayunpaman, hindi naging maganda ang kinalabasan ng kanilang relasyon matapos sabihin ni Janella na sinaktan umano siya ni Elmo.

Nagkatampuhan din si Janella at ang ina nito noong panahong napapabalitang si Elmo ang kanyang karelasyon.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay naging usap-usapan ang kanyang puspusang pag-wo-workout upang maibalik sa dati ang kanyang katawan bilang paghahanda sa kanyang pagbabalik sa showbiz.

Read also

Wowie De Guzman, ibinahaging wala muna sa isip ang pakikipagrelasyon

Naging viral din ang picture ni Janella kasama sina Vicki Belo at Hayden Kho. Sa nasabing picture ay marami ang nakapansin sa malaking pagbabago sa kanya mula sa nakasanayan sa kanya noong aktibo pa to sa showbiz.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel