Jelai Andres, ipinasilip ang pangyayari sa likod ng camera sa OML taping

Jelai Andres, ipinasilip ang pangyayari sa likod ng camera sa OML taping

- Sa kabila ng pinagdadaanan matapos ang kontrobersiya sa muli nilang paghihiwalay ni Jon Gutierrez, ibinahagi ni Jelai Andres ang mga behind-the-scenes na kuha niya sa tetelseryeng Owe My Love

- Sa nasabing serye ay naipareha silang dalawa at ikinasal din sila doon kagaya ng nangyari sa kanila sa totoong buhay

- Matatandaang sinabi ni Jelai sa kanyang mga naunang pahayag na nagkabalikan na sila ni Jon habang nasa lock-in taping sila

- Gayunpaman, matapos nga ang nasabing taping ay natuklasan umano ng aktres ang tungkol sa pagkakaroon ng relasyon umano ni Jon sa ibang babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling natuwa ang mga tagahanga ng tambalang JoLai (Jon Gutierrez at Jelai Andres) na muli nilang nakitang magkasama ang dalawa.

Ito ay matapos ibahagi ni Jelai ang mga video niya na kuha sa behind-the-scenes ng seryeng Owe My Love kung saan naipareha siya kay Jon.

Read also

Alwyn Uytingco, sinabing mahal na mahal niya ang asawang si Jennica Garcia

Jelai Andres, ipinasilip ang pangyayari sa likod ng camera sa OML taping
Jelai Andres (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Makikita sa nasabing video na naging malapit ang lahat ng casts ng nasabing serye at tila bumalik na rin ang dating pagtitinginan ng mag-asawa base sa kanilang turingan.

Matatandaang nauna nang sinabi ni Jelai na nakaplano na sanang isapubliko nila ang tungkol sa kanilang pagbabalikan. Gayunpaman, hindi na ito natuloy matapos makarating kay Jelai ang tungkol sa umano'y panloloko ni Jon sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Read also

Claudine Barretto, nag-sorry kay Mark Anthony Fernandez matapos ang 25 taon

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay hindi napigilang ilabas nina Jelai at kapatid nito ang kanilang sama ng loob sa asawa ng aktres na si Jon. Matapos ang pag-trending ng tungkol sa isyu nila, naapektuhan ng husto si Jelai. Sa katunayan, ibinahagi ng kaibigan niya na pumayat na nga ito dahil hindi masyadong nakakakain.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel