Mariel Padilla, hindi na naka-palag kay Robin Padilla sa pagpunta nito sa WPS

Mariel Padilla, hindi na naka-palag kay Robin Padilla sa pagpunta nito sa WPS

- Naibahagi ni Robin Padilla na pinagmamalaki niya ang kanyang asawang si Mariel Rodriguez

- Ito ay kaugnay sa pagiging supportive nito sa kanya pagdating sa mga bagay na nais niyang gawin

- Kabilang na nga dito ang pagpunta niya kamakailan sa West Philippine Sea para sa docu-series ay may title na Victor 88

- Aniya malamang ay nagsawa na rin si Mariel dahil araw at gabi ay iyon umano ang kanyang nakukwento sa asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa ginanap na press launch ng docu-series na Victor 88 kung saan kabilang si Robin Padilla, naitanong kay Robin ang tungkol sa reaction ng asawa niya sa kanyang pagpunta sa West Philippine Sea.

Mariel Padilla, hindi na naka-palag kay Robin Padilla sa pagpunta nito sa WPS
Mariel Padilla (@robinhoodpadilla)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Lalaking may stage 5 Chronic Kidney Disease, nakapagtapos pa rin ng kolehiyo

Ani Robin, iyon ay isang maipagmamalaki niya sa kanyang asawa na suportado siya palagi sa mga bagay na gusto niyang gawin.

Aniya, baka naawa na rin ito sa kanya dahil araw-gabi ay iyon na lang palagi ang kanyang bukambibig.

“Siguro nagsasawa na rin s’ya kasi araw-gabi ’yon ang kinikwento ko sa kanya. ‘Ganito, ganyan, ganito, ganyan. Kaya wala siyang magagawa, pinapayagan nalang niya ako. Kasi ano, e, meron tayong pagsasaliksik ng katotohan at makukuha lang natin yan kung pupunta tayo doon mismo...kung saan ’yong lugar na pinagmumulan...”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Robinhood Ferdinand Cariño Padilla o Robin Padilla ay kilala bilang “Bad Boy of Philippine Cinema”. Isa rin siyang screenwriter, producer, director and nationalist.

Tinatawag din siyang “The prince of the Philippine Action Movies”. Agosto 10, 2010 nang ikasal siya kay Mariel Rodriguez sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame.

Read also

Ivana Alawi, emosyonal na ikinuwento na pinanghihinaan ng loob si Mona Alawi

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay inamin ni Robin na nagtalo sila ng kanyang misis na si Mariel kaugnay sa vaccination ng kanilang mga anak.

Nakatanggap naman ng mensahe ang anak ni Robin na si Isabella mula sa kanyang ninong Digong kamakailan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel