Aljur Abrenica, ipinasilip ang bonding nilang mag-aama sa Batangas

Aljur Abrenica, ipinasilip ang bonding nilang mag-aama sa Batangas

- Kinaaliwan ng mga subscribers at YouTube viewers ni Aljur Abrenica ang ibinahagi niyang video

- Kasama niya ang dalawang anak na lalaki na sina Alas at Axl sa Batangas kung nasaan ang kanyang mga magulang

- Ibinahagi ni Aljur ang reksiyon ng mga anak sa laruang kotse na kaniyang binuksan at pinasakyan sa mga anak

- Marami naman ang nakapuna sa pagiging malapit ng mag-aama at sa pagiging matiyaga ng aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami sa mga tagahanga ni Aljur Abrenica ang lalong humanga sa aktor sa pinamalas nitong pagiging maalaga at maasikaso sa kanyang dalawang anak na sina Alas at Axl.

Aljur Abrenica, ipinasilip ang bonding nilang mag-aama sa Batangas
Aljur Abrenica (@ajabrenica)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasama niya ang dalawang anak sa Batangas sa lugar ng mga magulang ni Aljur. Sa kanyang ibinahaging video ay pinakita ni Aljur ang kasiyahan ng mga anak nang buksan niya ang natanggap na laruang kotse.

Read also

Dating aktor na ngayon ay isa nang doktor na si Josh Santana, tinamaan ng COVID

Marami rin ang nakapuna sa pagiging malapit ng mga anak niya sa kanya.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

Nakakatuwa silang tingnan mag-aama. Malapit sila kay Aljur at mukhang maalaga din siya. Mas maganda sana kung kumpleto sila.
Nakakabilib yung ganitong ama na nagbibigay talaga ng oras para sa mga anak. God bless your family Aljur!
Good vibes talaga tong mag-aamang to. Sana makagawa pa kyo ng mas maraming videos ng bonding niyong mag-aama.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Aljur Abrenica ay isang Pinoy na aktor na unang nakilala matapos siyang sumali sa fourth season ng reality talent seacrh ng GMA-7 na StarStruck. Naipareha siya sa kanyang kasabayan sa Starstruck na si Kris Bernal.

Ikinasal siya kay Kylie Padilla at nabiyayaan sila ng dalawang anak na lalaki, sina Alas Joaquin at Axl.

Read also

William Martinez at Yayo Aguila, nagkasamang muli sa vlog ng aktres

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang nag-ugat ang paglabas ng bali-balitang may problema ang mag-asawa matapos mapansin ng mga netizens na halos burado na sa Instagram ni Kylie ang mga litrato ni Aljur. Marami din sa kanyang post ang tila may kaugnayan sa pinagdadaanan nila ni Aljur.

Kasunod nito ay napawi ang pangamba ng kanilang fans matapos ibahagi ni Kylie ang isang litrato kung saan kasama ni Aljur ang mga anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel