Meryll Soriano, deadma sa mga bashers sa pag-iibigan nila ni Joem Bascon

Meryll Soriano, deadma sa mga bashers sa pag-iibigan nila ni Joem Bascon

- Para kay Meryll Soriano, mas madali ang kanyang pagiging ina sa pangalang anak niya dahil mayroon siyang katuwang

- Ang kanyang tinutukoy ay si Joem Bascon na dati niya na ring karelasyon bago sila nagkabalikan noong nakaraang taon

- Pagdating sa mga bashers, mas alam na umano ni Meryll kung paano i-handle ang mga ito

- Hindi niya hinahayaang makaapekto ang mga ito sa kanya at iniiwasan niya ring magkaroon ng post-partum depression

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa ekslusibong panayam ni Bianca Gonzalez kay Meryll sa Cinema News At Home edition, inamin ng aktres na hindi sila magkapareho ng gusto noon kaya sila nagkahiwalay. Gayunpaman, nilinaw niyang tugma naman sila sa isa't-isa.

Meryll Soriano, walang oras para sa mga bashers sa pag-iibigan nila ni Joem Bascon
Photo from Meryll Soriano (@planetumeboshi)
Source: Instagram
"Ngayon tugma na, siguro sa edad na rin. Ano ang gusto namin sa buhay? Gusto namin magkapamilya."

Hindi umano niya inasahang ibibigay sa kanya ng tadhana ang kaligayahang kanyang dinaranas ngayon dahil sa pagbabalikan nila ni Joem.

Read also

Chito Miranda, nilinaw ang post sa pagpapabakuna matapos kwestyunin ng netizens

Matapos nga aminin nina Meryll at Joem ang kanilang relasyon, pinutakti sila ng pambabatikos dahil na rin sa simpatya ng tao sa dating karelasyon ni Joem, ang vlogger na si Crisha Uy.

Gayunpaman, ayon kay Meryll ay hindi niya hahayaang makaapekto sa kanya iyon.

"Wala akong time for it. Nag-aalaga ako ng baby, masaya ang buhay. Iniingatan natin na wag tayong magkaroon ng postpartum. Nagkaroon ako nung nung kay Eli."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ngayon, mas alam ko na i-handle. Dedma na lang, di ko na ine-entertain. Di mo na hahayaan makaapekto sa iyo.

Nabanggit din ni Meryll na hindi nagseselos ang anak na si Eli dahil ito umano ang kanyang hiling mula pa noong sampung taong gulang pa lamang siya.

Maayos din ang relasyon ng anak niya at ni Joem. Naalagaan pa umano noon ni Joem si Eli noong una silang naging magkarelasyon.

Read also

Marco Gumabao, dinepensahan ang sarili sa mga nagsabing mukha siyang pera

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Meryll Soriano ay ang anak ng TV host na si Willie Revillame kay Bec-Bec Soriano. Pamangkin siya ng batikang aktres na si Maricel Soriano. Ikinasal siya kay Bernard Palanca noong September 8, 2006. Gayunpaman, taong 2015 nang tuluyan nang na annul ang kanilang kasal.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nang pumasok ang taong 2021 ay ginulat ni Meryll ang publiko sa kanyang rebelasyon tungkol sa kanila ni Joem Bascon matapos ang ilang buwang pananahimik.

Ibinahagi din kamakailan ng aktres ang litrato niya kung saan karga-karga ni Willie Revillame ang kanyang baby.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel