Andrea Brillantes, inisa-isa ang mga celebrities na pumorma sa kanya

Andrea Brillantes, inisa-isa ang mga celebrities na pumorma sa kanya

- HHindi inatrasan ni Andrea Brillantes ang katanungan kung sinu-sino ang mga celebrities na pumorma sa kanya

- Imbes na uminom sa mga nakandang mga shots na kailangan niyang inumin, sinagot ni Andrea ang tanong

- Kabilang sina JK Labajo, Darren Espanto at Grae Fernandez sa mga nabanggit ng aktres na pumorma sa kanya

- Kasalukuyang nauugnay ang dalaga sa kanyang on-screen partner at napapabalitang boyfriend niyang si Seth Fedelin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa bagong vlog ni Andrea Brillantes kung saan sumabak sa Sagot o Lagot challenge kung saan mamimili silang dalawa kung sasagutin ang mga tanong o hindi. Sakaling hindi kayang sagutin ay kailangang inumin ang mga nakahandang inumin na nakalagay sa shot glass.

Andrea Brillantes, inisa-isa ang mga celebrities na pumorma sa kanya
Seth Fedelin and Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Bearwin Meily, kinumusta ni Ogie Diaz; naiyak nang mabanggit si Bayani Agbayani

Isa nga sa naitanong kay Andrea ay kung mayroon bang mga celebrities na pumorma sa kanya at sinu-sino ang mga ito.

Hindi nagdalawang-isip si Andrea na banggitin ang mga pangalan ng mga ito. Kabilang sina JK Labajo, Darren Espanto at Grae Fernandez sa mga nabanggit ng aktres na pumorma sa kanya.

Sinubukan pa nitong bawiin ang kanyang pahayag nang klaruhin ni Seth Fedelin kung totoong nanligaw ang mga ito sa kanya.

Kasalukuyang nauugnay ang dalaga sa kanyang on-screen partner at napapabalitang boyfriend niyang si Seth Fedelin na unang nakilala sa Pinoy Big Brother.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Sumikat din siya sa kanyang mahusay na pagganap bilang ang kontrabidang si Marga Mondragon sa hit TV series na Kadenang Ginto na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Read also

Kris Bernal, sinabihan ang bashers na mag-unfollow na lang sa kanya

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samanatala malaki ang pasasalamat ni Andrea sa social media dahil naging daan ito para maabot niya ang kanyang mga pangarap.

Ikinabigla naman ni Seth Fedelin ang hiningi sa kanya ni Andrea na blender na nagkakahalaga ng 50K at isang kabayo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel