Ogie Diaz, natawa sa kanilang "wrestling match" ni Jam Magno

Ogie Diaz, natawa sa kanilang "wrestling match" ni Jam Magno

- Kinaaliwan ng netizens ang live stream ng isang gamer kung saan ang dalawang karakter na maglalaban sa wrestling ay sina Ogie Diaz at Jam Magno

- Maging si Ogie ay di napigilang matawa at sa katunayan ay nag-share din siya sa kanyang Timeline ng nasabing game stream

- Napakomento din siya sa nakakaaliw na komentaryo ng streamer na nagbahagi ng nasabing video

- Si Ogie at Jam ay matatandaang nagkapatutsadahan sa social media kamakailan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang natawa sa "wrestling match" na kung saan sina Ogie Diaz at ang TikToker na si Jam Magno ang magkalaban na ibinahagi ng JAS Gaming Facebook Page.

Kasunod ito ng pagka-ban ng TikTok ni Jam kamakailan dahil na rin sa mga nagalit na tagasuporta ng beauty queen na si Rabiya Mateo.

Ogie Diaz, natawa sa kanilang "wrestling match" ni Jam Magno
Ogie Diaz (www.facebook.com/ogie.diaz.5)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Reaksiyon ng mga Pinay beauty queens sa kanilang fans, kinaaliwan

Maging si Ogie ay di napigilang mag-share ng nasabing video sa kanyang sariling Timeline sa Facebook. Tinawanan lamang niya ang trip na ito ng mga netizens kung saan sila nga ni Jam Magno ang karakter na pinaglalaban sa nasabing wrestling match.

Matatandaang nagkagirian ang dalawa sa pamamagitan ng kanilang mga social media kamakailan matapos punahin ni Jam si Ogie matapos nitong ibahagi na nagpabakuna siya laban sa COVID-19.

Aniya, kung sino pa ang maraming reklamo sa gobyerno sila pa ang naunang magpabakuna. Kasama si Ogie sa mga taong nasa kategoryang may comorbidities o mga taong may karamdaman. Sila ang pangatlong prayoridad sa mga tuturukan ng bakuna laban sa COVID-19.

Ogie Diaz, natawa sa kanilang "wrestling match" ni Jam Magno
JAS Gaming (www.facebook.com/jamessicatgaming/)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Read also

Twitter account na nakapangalan kay Jam Magno, suspendido na rin

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Naging usap-usapan ang pagtanggi ni Ogie na i-endorse ang pelikula ng isang artistang alam niyang nag "yes to ABS-CBN shutdown."

Bilang kilala sa pagiging prangka sa pagbabahagi ng kanyang opinyon, hindi maiwasang makatanggap si Ogie ng pambabatikos. Bumwelta siya sa mga nagsasabing isa siyang "dilawan."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel