Jennica Garcia, kinaaliwan sa kanyang ibinahaging TikTok video

Jennica Garcia, kinaaliwan sa kanyang ibinahaging TikTok video

- Masayang ibinahagi ni Jennica Garcia na mayroon na rin siyang sariling TikTok account

- Marami ang naaliw sa kanyang kauna-unahang TikTok video na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account

- Ilan sa kanyang mga followers ay nagpahayag ng kanilang tuwa na kahit may pinagdadaanan ang aktres ay patuloy itong nagpapakita ng positibong pananaw sa buhay

- Matatandaang naging usap-usapan ang mga makahulugang mensahe ni Jennica sa social media sa gitna ng napapabalitang paghihiwalay nila ng kanyang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang natuwa sa TikTok video na binahagi ni Jennica Garcia nang ibalita niya sa pamamagitan ng isang post sa Instagram na mayroon na siyang TikTok account.

Jennica Garcia, kinaaliwan sa kanyang ibinahaging TikTok video
Jennica Garcia Uytingco (@jennicauytingco)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pabiro pa nitong sinabihan ang kanyang mama na si Jean garcia na kabahan na dahil may TikTok na rin siya.

Read also

Rabiya Mateo, natatanging Miss Universe 2020 candidate na mayroong 1M followers

Narito ang reaksiyon ng kanyang mga fans:

Sana all ganito kaslim at kaganda kahit may mga anak na.
hala so me #momontiktok din ako, nag start nung broken din ako.. laban mamshie follow kita dun.
Masaya ako kasi nakikita na kita na sumasaya uli kahit papano, basta lagi lang pray at tiwala kay lord. Lahat ng nangyayare sa buhay natin may dahilan Siya. At alam ko na alam mo na makakabuti yun sa'tin balang araw. Godbless

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jennica Garcia ay dating naging aktibo din sa showbiz kagaya ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco. Nang ikasal sila ay napagpasyahan ni Jennica na tumigil muna sa pag-aartista at bigyan ng oras ang kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Marami ang humanga sa mag-asawang Jennica at Alwyn dahil sa umano'y pagiging magandang halimbawa. Nang pumutok ang Bulkang Taal, kabilang ang mag-asawa sa mga tumulong sa mga residenteng naapektuhan.

Read also

Rob Moya, pinasalamatan ang babaeng dumamay umano sa kanya sa kanyang pinagdaanan

Gayunpaman, marami ang nagkaroon ng agam-agam nang magtanong si Jennica Garcia kung paano papalitan ang kanyang apelyido at marami rin ang nakapansin sa pagkawala ng mga litrato ni Alwyn sa kanyang Instagram page.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel