Video ng mga asong disiplinado, kinaaliwan ng mga netizens

Video ng mga asong disiplinado, kinaaliwan ng mga netizens

- Marami ang bumilib sa mga asong naturuan ng maayos ng kanilang mga tagapag-alaga

- Bago kumain ay hindi sila agad sumusunggab sa pagkain nila bagkus ay nakikinig muna sila sa panalangin bago sila kumain

- Hindi din sila nagkakagulo o nag-aaway kahit magkakalapit ang kanilang mga kainan habgn kumakain

- Maging ang mga tuta ay marunong makinig at naghihintay ng tamang oras kung kailan sila pwedeng kumain na

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinabiliban ng mga netizens kung gaano ka-desiplinado ang mga aso sa video na ibinahagi ng Facebook user na si Fernan Etob Rj. Makikita sa ibinahagi niyang video na nakahilera ang mga aso sa paligid ng kanilang mga pagkain.

Video ng mga asong disiplinado, kinaaliwan ng mga netizens
Acrennshot from Fernan Etob Rj/www.facebook.com/fernando.botejr
Source: Facebook

Gayunpaman, hindi sila kaagad na lumapit sa kanilang pagkain at nakinig muna sa panalangin. Nakahawak pa sa braso ng kanilang amo at wari'y nagdadasal ang isa sa kanila.

Read also

Eric Fructuoso, emosyonal sa biglang paglago ng mga negosyo: "Para sa mga anak ko"

Matapos ang pagdarasal ay hinintay patin nila ang hudyat kung pwede na silang kumain. Ang kinabiliban lalo ng ilang netizens ay kahit ang mga tuta ay marunong makinig at sumunod.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilang mga rekasiyon:

Ang galing naman ng mga little puppies nakikinig din sila sa Prayer bago kumain. Pati nga maliliit natututo na rin.
Ang galing2 nmn nila marunong cla mg pray ang galing ng mg turo bossing nila. Salute syo kuya napakabait nyo po sa mga alaga nyo..hindi lahat ng tao katulad nyo po.
Wow ang babait ng mga alaga ni kua. Saludo po ako. Hmde Biro ang magturo lalo n ung magdasal p cl bago kumain. Ang galing nila, mga disiplinado talaga pati mga maliliit.

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Read also

Zeinab Harake, pinasaya ang mga batang may sakit bilang pasasalamat sa 11 million 'Zebbies'

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel