Mag-ina sa Albay, patay matapos makuryente habang naglalaba

Mag-ina sa Albay, patay matapos makuryente habang naglalaba

- Dead on arrival sa ospital ang isang mag-ina sa Albay matapos silang makuryente

- Batay sa inisyal na imbestigasyon, aksidenteng nahulog ang extension wire sa tubig

- Naglalaba noon ang 52-anyos na ginang gamit ang isang washing machine

- Sinubukan naman itong sagipin ng kanyang anak ngunit maging ito ay nakuryente rin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dead on arrival sa ospital ang isang mag-ina sa Malinao, Albay matapos silang makuryente habang naglalaba.

Batay sa report ng Pasada Rinconada Camarines Sur, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na aksidenteng nahulog ang extension wire sa tubig.

"According to reports from the Albay Police Provincial Office, the extension wire being used accidentally fell into the water near the washing machine electrocuting the mother.

Mag-ina sa Albay, patay matapos makuryente habang naglalaba
Photo: Image from the scene (Albay Police Provincial Office)
Source: Facebook

"Her daughter tried to save her but the child also got electrocuted. Both victims died instantly," ayon sa FB post nito.

Read also

Ginang na nakapila para kumuha ng ayuda, patay matapos mapailalim sa 1 truck

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Naglalaba ang 52-anyos na ginang na nakilalang si Asuncion Bonagwa gamit ang isang washing machine, base naman sa report ng Balitanghali ng GMA News.

Sinubukan naman itong sagipin ng anak na si Ayen ngunit maging ito ay nakuryente rin.

Bumuhos naman ang pakikiramay ng mga netizens para sa mga naulila ng mag-ina.

Palagi po sana tayong mag-ingat upang tayo ay makaiwas sa ano mang kapahamakan at maging alerto rin sa banta ng disgrasya.

Nakikiramay po ang KAMI sa pamilya ng mga nasawi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, isang magkapatid naman sa Bohol ang nasawi matapos ding makuryente.

Read also

Ina na nahagip ng truck noong Mother's Day, nabulag ang 1 mata

Ayon sa ulat, nakuryente ang dalawa matapos na ayusin ang booster na magpapabilis umano ng kanilang koneksyon sa internet para sana sa kanilang online class.

Nakilala ang mga biktima na sina Tristian Hamlag, 26-anyos at si Christian na 20-anyos.

Samantala, isang bata naman ang nakaiwas sa tiyak na kapahamakan nang isaksak nito ang isang tiyani sa extension cord at nagkataong brownout.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel