Ogie Diaz, nagbahagi ng kanyang saloobin kaugnay sa social media influencer na bumatikos kay Liza Soberano

Ogie Diaz, nagbahagi ng kanyang saloobin kaugnay sa social media influencer na bumatikos kay Liza Soberano

- Hindi na umano papangalanan pa ni Ogie Diaz ang isang social media influencer na nambatikos kay Liza Soberano

- Gayunpaman, pasimpleng bumwelta si Ogie kaugnay sa pagsabi nitong maganda lang umano si Liza at tanga umano ito

- Banat ni Ogie, sana siya din ay masabihang maganda kagaya ni Liza at ayon pa kay Ogie, mas tanga ang mga pumapatol sa sinasabi ni Liza kung ito ang kanilang pananaw sa aktres

- Matatandaang sinagot ng isang social media personality ang tweet ni Liza tungkol sa pagkwestiyon nito kung may natatanggap na tulong ang mga mahihirap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinakita ni Ogie Diaz na hindi siya apektado sa mga pambabatikos ng mga bashers sa kanila ng kanyang alagang si Liza Soberano.

Dinaan niya na lang sa biro ang kanyang patutsada sa mga bumatikos sa kanila matapos nilang ihayag ang kanilang saloobin hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng bansa.

Read also

Alex at Toni Gonzaga, nilinaw ang tungkol sa blind item tungkol sa kanila

Ogie Diaz, nagbahagi ng kanyang saloobin kaugnay sa social media influencer na bumatikos kay Liza Soberano
Ogie Diaz
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ani Ogie, para doon sa taong nagsabing maganda lang si Liza ngunit tanga umano ito, nawa daw ay masabihan din itong maganda kagaya ni Liza.

Para sa mga bashers na nagsabing tanga si Liza, mas tanga umano ang mga pumatol sa sinabi ni Liza gayong ganito ang pananaw nila sa aktres.

Matatandaang magbahagi ng kanyang saloobin si Liza kaugnay sa kanyang pag-aalala para sa mga mahihirap na walang ibang pagpipilian kundi magtrabaho kahit delikado dahil wala silang ipapakain sa kanilang mga pamilya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Read also

Video nina Coco Martin at Julia Montes sa Boracay, viral na

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagtanggi ni Ogie na i-endorse ang pelikula ng isang artistang alam niyang nag "yes to ABS-CBN shutdown."

Bilang kilala sa pagiging prangka sa pagbabahagi ng kanyang opinyon, hindi maiwasang makatanggap si Ogie ng pambabatikos. Bumwelta siya sa mga nagsasabing isa siyang "dilawan."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel