Ogie Diaz, galit na galit matapos mapaniwala ng anak na nagpagawa ito ng ilong

Ogie Diaz, galit na galit matapos mapaniwala ng anak na nagpagawa ito ng ilong

- Hindi maitago ni Ogie Diaz ang kanyang pagkayamot sa narinig mula sa anak na si Erin Diaz kaugnay sa umano'y pagpaparetoke nito

- Sinermunan nito ng todo ang anak matapos magpagawa nang hindi man lang muna nagsasabi sa kanya

- Gayunpaman, lingid sa kaalaman niya ay tinitingnan lamang ng anak ang kanyang reaksiyon sa kanyang prank na fake nose fillers

- Nilinaw naman ni Erin na hindi siya magpapagawa ng ilong ngunit wala naman aniyang masama kung ito ay makakapagpasaya sa mga taong nais magpaayos ng kanilang ilong

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naimbyerna ng husto si Ogie Diaz nang makita ang ilong ng anak. Ito ay matapos sabihin sa kanya ng anak na si Erin Diaz na nagpaayos siya ng ilong sa pamamagitan ng pagpapalagay ng nose fillers.

Ogie Diaz, galit na galit matapos mapaniwala ng anak na nagpagawa ito ng ilong
Ogie Diaz (www.facebook.com/ogie.diaz.5)
Source: Facebook

Sinermunan ng todo ni Ogie ang anak dahil para sa kanya ay hindi na umano kailangan ni Erin magpaayos ng ilong dahil maganda naman ang ilong nito.

Read also

Eric Fructuoso, inaming hiwalay na sila ng kanyang asawa

Lingid sa kanyang kaalaman, prank lamang pala iyon ng anak at lingid sa kanyang kaalaman ay tinitingnan lamang ng anak niya ang kanyang reaksiyon sa kanyang prank na fake nose fillers.

Paliwanag naman ni Erin, para sa kanya ay walang masama sa pagpaparetoke kung ito ay makakadagdag sa confidence ng isang tao.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Nagsara man ang Kapamilya network, mariing nanindigan si Ogie na mananatili siyang isang Kapamilya. Kahit wala siyang TV show bunsod ng nangyari sa ABS-CBN, tuloy-tuloy pa rin ang kanyang paghahatid ng showbiz news at updates sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel.

Read also

Basel Manadil, sinurpresa ng bagong motor ang delivery rider na naka-bike lamang

Naging usap-usapan ang pagtanggi ni Ogie na i-endorse ang pelikula ng isang artistang alam niyang nag "yes to ABS-CBN shutdown."

Bilang kilala sa pagiging prangka sa pagbabahagi ng kanyang opinyon, hindi maiwasang makatanggap si Ogie ng pambabatikos. Bumwelta siya sa mga nagsasabing isa siyang "dilawan."

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel