Pia Wurtzbach, sinupalpal ang isang netizen na sinabihan siyang plastic

Pia Wurtzbach, sinupalpal ang isang netizen na sinabihan siyang plastic

- Hindi inatrasan ni Pia Wurtzbach ang matapang na pahayag ng isang netizen matapos siyang magbahagi ng kanyang pagbati para sa kaarawan ng kanyang kapatid

- Isang netizen ang pumuna sa kanya at nagsabing plastic siya at ginagawa niya lamang ito para matuwa ang tao sa kanya

- Matatandaang nagkaroon ng 'di pagkakaunawaan ang magkapatid matapos madawit si Pia sa gulo ng kapatid at kanilang ina

- Gayunpaman, nilinaw ni Pia na nagkaayos na sila ng kapatid at ayaw niya umanong may kagalit siyang tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Palaban ang naging tugon ng Miss Universe 2015 na si Pia Alonzo Wurtzbach sa isang netizen na nagbigay ng malisya sa kanyang pagbati para sa kaarawan ng kapatid niyang si Sarah Wurtzbach.

Sinabihan siya nitong kaplastikan lamang ang kanyang ginawa para purihin siya kung gaano siya kabuting kapatid.

Read also

Mister, nautakan ni misis sa panunuhol sa cellphone techinician

Pia Wurtzbach, sinupalpal ang isang netizen na sinabihan siyang plastic
Pia Wurtzbach (Photo by Richard James Mendoza/NurPhoto)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pia Wurtzbach, sinupalpal ang isang netizen na sinabihan siyang plastic
Screenshot from @piawurtzbach
Source: Instagram

Ayon sa netizen, hindi niya maarok ang motibo ng pagsasapubliko ni Pia ng kanyang mensahe sa kapatid sa kabila ng nagawa ni Sarah.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi naman ito pinalampas ni Pia at pinaliwanag na nagkaayos na sila ng kapatid at sana daw ay huwag nang kainisan ng tao si Sarah dahil may pinagdadaanan ito.

Pia Wurtzbach, sinupalpal ang isang netizen na sinabihan siyang plastic
Screenshot from @piawurtzbach
Source: Instagram

Paliwanag pa ni Pia, taon-taon siyang bumabati sa kapatid at hindi niya rin daw gustong may kasamaan siya ng loob lalo at kapamilya at kadugo niya. Dagdag pa niya, kahit anong mangyari ay kapatid niya si Sarah.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Pia Alonzo Wurtzbach ay isang Filipina-German model, actress, at beauty queen na kinoronahang Miss Universe 2015 noong December 20, 2015.

Read also

Sharon Cuneta, natangayan ng P500,000 ng isang taong kanyang pinagkatiwalaan

Matatandaang naging usap-usapan ang paglabas ng saloobin ng kanyang kapatid na si Sarah. Tinawag pa nitong Hudas ang ina sa isa sa mga social media posts niya.

Maging ang kasalukuyang boyfriend umano ni Pia na si Jeremy Jauncey ay lumapit sa kanya upang humingi ng tulong matapos magkaroon ng problema sa isa sa kanilang kliyente dahil umano sa ina nilang si Cheryl Tyndall.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel