Pia Wurtzbach, ipinakita ang kanyang fashion style "20 years ago"

Pia Wurtzbach, ipinakita ang kanyang fashion style "20 years ago"

- Ibinahagi ni Pia Wurtzbach ang larawan niya noong siya ang "20 years younger" pa

- Bago pa man daw ang "high heels" at "sash" sa mga pageants ay nahilig siya sa mga cool jeans & zig zag hair part

- Subalit kapansin-pansin na ang tindig niya na magiging isa nga siyang beauty queen balang araw

- Litaw na litaw na rin ang natural niyang ganda kahit pa nasabi niyang "baduy" pa siya noon na manamit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagigiliwan ngayon ang larawang ibinahagi ni Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.

Sa kanyang Instagram post, proud na ipakita ni Pia ang kanyang larawan na kuha 20 years ago.

Nalaman ng KAMI na kuha umano ito bago pa man pasukin ni Pia at mundo ng beauty pageants at maging ng showbiz.

Pia Wurtzbach, ipinakita ang kanyang fashion style "20 years ago"
Photo from @piawurtzbach
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Markus Paterson, kinaaliwan dahil sa kanyang reaksiyon nang maihian ni Baby Jude

"Before sashes and heels there was cool jeans & zig zag hair part," pahayag ng beauty queen sa kanyang post kung saan makikita ang kanyang fashion taste noon.

"By the looks of it mukhang trip ko pala noon ang maging baduy. LOL!" pagbibiro pa niya.

Ganoon pa man, kapansin-pansin na ang kanyang mala-beauty queen na tindig at napakagandang mukha.

Nagbalik tanaw din siya ng ilang mga bagay na pinagkakaabalahan ng batang 90's na tulad niya. Bahagi ito ng kanyang podcast episode tungkol sa mga "throback stories."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, nasabi ni Pia na muli na siyang magbabalik sa Pilipinas matapos ang nasa nasa tatlong buwang bakasayon kasama ang kanyang nobyo na si Jeremy Jauncey.

Hindi magtatagal ay agad din namang susunod ang nobyo at dadalaw sa kanya dito sa bansa.

Read also

Julia Barretto, pinagkaguluhan matapos ibahagi ang kanyang picture na "palaban"

Si Pia Wurtzbach ay isang German-Filipino beauty queen at aktres. Bago siya kinoronahan bilang Miss Universe 2015 ay dati na siyang nakasama sa ilang pelikula at teleserye. Mas kilala siya noon sa tawag na Pia Romero.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Higit isang buwan na ang nakakaraan nang mag-viral sina Pia at ang boyfriend nito na si Jeremy dahil sa mga daring nilang larawan sa social media. Ang mga ito kinunan habang nagbabakasyon sila sa Maldives.

Kamakailan din ay nagdiwang ang magkasintahan ng unang anibersaryo ng kanilang relasyon. Nagpalitan ng mga matatamis na mensahe ang dalawa sa kanilang social media accounts.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel