Derek Ramsay at Andrea Torres, walang closure; ‘mutual decision’ ang breakup

Derek Ramsay at Andrea Torres, walang closure; ‘mutual decision’ ang breakup

- Ibinahagi ni Derek Ramsay na wala pa pala silang maayos na closure ni Andrea Torres

- Ngunit sinabi nito na ‘mutual decision’ ang kanilang paghihiwalay ng aktres

- Sinabi rin niya na wala silang samaan ng loob ng ex-girlfriend at naniniwala siyang hindi ito galit sa kanya

- Ayon sa aktor ay naka-move on siya kaagad dahil sa kanyang supportive na pamilya at mga kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinunyag ni Derek Ramsay na wala pa palang maayos na closure ang kaniyang nasirang relasyon kay Andrea Torres, ngunit nanindigan ito na mutual decision naman ang kanilang hiwalayan.

Derek Ramsay at Andrea Torres, walang closure; ‘mutual decision’ ang breakup
Derek Ramsay (Photo credit: @ramsayderek07)
Source: Instagram

Sa latest vlog ni Concert Queen Pops Fernandez ay isiniwalat ni Derek Ramsay ang tungkol sa naganap nilang hiwalayan ni Andrea Torres.

Nang tanungin kung nagkaroon ba sila ng maayos na closure, sumagot ang aktor na wala silang galit sa isa’t-isa.

Read also

Markus Paterson, kinaaliwan dahil sa kanyang reaksiyon nang maihian ni Baby Jude

“I don’t think she hates me and definitely I don’t hate her and her family.”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Naging mabilis raw ang mga pangyayari at hindi naman talaga nila inasahan na maghihiwalay sila. Naniniwala rin ang aktor na mangyayari rin ang closure nila sa tamang panahon.

“We were together for over a year and it was very sudden — the breakup happened, it came out of nowhere.
“Kind of blindsided me and closure, I think, that will come with time. Definitely, no hate, no regrets.”

Paglilinaw ng Kapuso actor, mutual decision ang naging breakup nila ni Andrea. Ito raw ay dahil sa isang maliit na isyu na hindi kalaunan ay mas lumaki.

“And I guess we both realized that it was something that both of us could not make certain adjustments to,
“We decided, instead of forcing it, let’s just go separately.” paglalahad niya.

Read also

Mommy Min Bernardo, ipinasilip ang nabiling lote nina Kathryn Bernado at Daniel Padilla

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kahit biglaan ang kanilang naging hiwalayan ay wala raw silang samaan ng loob ni Andrea. Sa katunayan ay hindi nga niya ito in-unfriend sa social media.

“There’s no hate towards each other. You can see, she’s back at work. She looks great. She’s been working out.
“It shows that we both don’t have, like, any animosity towards each other. I guess because if you do, it will really reflect on the way you act, the way you talk, the way you move, and you can see that she’s happy and I’m very happy.”

Kung bakit raw mabilis siyang naka-move on at agad siyang nakahanap ng kapalit, ito ay dahil mayroon siyang mga supportive na pamilya at mga kaibigan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Heaven Peralejo nilinaw na wala siyang kinalaman sa hiwalayang Devon at Kiko

Si Derek Ramsay ay isa sa mga most sought-after leading men sa bansa. Ilan sa mga naging pelikula niya ay ang “No Other Woman”, “Trophy Wife”, at “Ex with Benefits”.

Mula rin sa vlog ni Pops ay napag-alaman na plano pala dapat ni Derek na maging single ng dalawang taon matapos ang hiwalayan nila ni Andrea. Ngunit hindi ito natupad.

Sa katunayan ay nagdiwang sila ni Ellen Adarna ng kanilang first monthsary nitong ika-4 ng Marso.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel