Sexbomb Jopay Paguia, buntis na sa ikalawang anak nila ni Joshua Zamora

Sexbomb Jopay Paguia, buntis na sa ikalawang anak nila ni Joshua Zamora

- Ibinahagi ng mag-asawang Jopay Paguia at Joshua Zamora ang balita tungkol sa pagbubuntis ng sexbomb dancer

- Isinabay nila ang gender reveal para sa kanilang pangalawang anak sa pagdiriwang ng kaarawan ni Joshua

- Kahit lalaki ang gusto nilang maging kasarian ng pangalawa nilang anak, masayang-masaya parin ang mag-asawa na nabiyayaan sila ng panibagong baby girl

- Anila, pinagdasal nila talaga na mabigyan uli sila ng anak at abot-abot ang kanilang pasasalamat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang video ng pagdiriwang ng kaarawan ni Joshua Zamora, isinabay ng mag-asawang Jopay Paguia at Joshua ang kanilang gender reveal party para sa kanilang ikalawang anak.

Ibinahagi ng mag-asawa na gusto nila ay lalaki ang ikalawang anak nila at tila kumbinsido din si Jopay na lalaki ang kanyang pinagbubuntis.

Gayunpaman, babae uli ang kanilang anak at tuwang-tuwa ang mag-asawa dahil ipinagdasal umano nila na mabiyayaan uli sila ng baby.

Vicki Belo, dinasalan si Hayden Kho na noo'y "na-coma" sa tindi ng kontrobersiya
Sexbomb Jopay Paguia, buntis na sa ikalawang anak nila ni Joshua Zamora

Jopay Paguia (@jopaypaguiazamora)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang kanilang panganay na anak ay tuwang-tuwa sa pagkakaroon ng kapatid at babaeng kapatid ang gusto niya.

Anim na buwan na ang pinagbubuntis ni Jopay at hindi umano siya nahirapan sa kanyang pagbubuntis ngayon.

Abot-abot ang pasasalamat ng mag-asawa dahil itinuturing nilang napakalaking blessing ang kanilang pangalawang baby na maaring isilang ni Jopay sa katapusan ng April o unang linggo ng May.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Samantala, bumuhos ang pagbati para sa mag-asawa para sa kanilang ibinahaging magandang balita.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Jopay Paguia ay unang nakilala bilang miyembro ng Sexbomb girls ng Eat Bulaga. Kabilang siya sa Senior Member at original member ng Sexbomb Singers, kasama sina Rochelle Pangilinan, Evette Pabalan, Weng Ibarra, Izzy Trazona-Aragon at Monic Icban.

Hayden Kho, ibinunyag na nakipaghiwalay si Vicki Belo bago sila ikasal

Ikinasal siya kay Joshua Zamora na isa ding miyembro ng dance group ma Maneuvers. Isinilang ni Jopay ang kanilang panganay noong December 30, 2017. Kagaya nilang mag-asawa, mahilig din sumayaw ang kanilang panganay na anak.

Matatandaang kamakailan ay dumulog sa NBI si Jopay at dalawa pang kasamahan upang ireklamo ang isang fan na nanggugulo sa kanila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel