Isa sa dalawang binatilyong natagpuang wala nang buhay, naglambing sa ama bago umalis ng bahay

Isa sa dalawang binatilyong natagpuang wala nang buhay, naglambing sa ama bago umalis ng bahay

- Ikinuwento ng ama ng isa sa dalawang binatilyong natagpuang wala nang buhay sa Maynila ang mga huling sandali nito

- Nagpaalam lamang daw na magba-basketbol ang anak noong Enero 31 ngunit hindi na muli ito bumalik

- Nakuha pa raw maglambing nito sa ama bago ito umalis at nabanggit pa umanong baka hindi na raw siya makabalik

- Masama ang loob ng ama at sinabing hindi makatao ang sinapit ng anak at isa pang kasama nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis ang pagdadalamhati ng pamilya ng mga binatilyong sina Carl Justine Banogon at Chormel Buenaflor na natagpuang wala nang buhay at palutang-lutang ang kanilang mga bangkay sa Isla Puting Bato, Tondo, Manila.

Nalaman ng KAMI na mababakas ang pagpapahirap sa dalawa bago isilid ang mga ito sa body bag at naka-tape pa umano ang ilang bahagi ng kanilang katawan tulad ng kamay paa at maging ang mukha.

Tambalang DonEkla, kumuha ng isang bahay para sa kanilang pagvo-vlog

Ayon sa ulat ni Emil Sumangil ng 24 Oras, GMA News, masakit para sa ama ni Buenaflor ang sinapit ng anak.

Isa sa dalawang binatilyong natagpuang wala nang buhay, naglambing sa ama bago umalis ng bahay

Chormel Buenaflor (Photo from GMA News)
Source: UGC

"Bilang isang magulang, masakit na ganunin ‘yung anak mo, paglaruan, parang blackboard. Eh, pagtapos paglaruan, lagyan mo ‘yung dibdib ng bala, laslasin mo ‘yung leeg," pahayag ng ama ni Buenaflor.

Bukod sa mga natamong saksak, nakuha pa umanong markahan ng "smiley" ang katawan ng binatilyo.

Kwento pa ng ama ng biktima, naalala niyang naglambing pa ang anak bago ito umalis ng bahay para magbasketbol.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nabanggit pa umano nito na baka "hindi na raw siya " makabalik at iyon nga ang nangyari.

"Pa, mahal na mahal kita. Bumalik. 'Pa, baka 'di na ako makabalik. Huwag ka magsalita ng ganyan ‘nak, magdasal ka. ‘Lika na, umuwi na tayo. Kinakabahan ako sa 'yo. '‘Di, Pa, alam ko 'to.' Sige, 'nak, ingat ka,” pagdedetalye ng ama ni Buenaflor ng mga huling sandali nito.

Zeinab Harake, pinasilip ang video ng paghaharap ng daddy niya at ni Skusta Clee

Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang mas mapabilis ang pagtugis ang salarin ng karumal-dumal na krimen na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nito lamang Bagong Taon, nang sumambulat sa publiko ang pagkamatay ng isang flight attendant na si Christine Dacera.

Natagpuang wala nang buhay si Dacera sa bath tub ng tinuluyang hotel sa Makati City kung saan nila sinalubong ang Bagong Taon kasama ng kanyang mga kaibigan.

Inaresto ang tatlo sa kanyang mga kasama subalit dahil sa kakulangan ng ebidensya, pinakawalan din ang mga ito. Patuloy pa rin ang pandinig sa kasong ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel