Ilang miyembro ng Sexbomb girls, ipinatutugis na sa NBI ang nanggugulong "fan"

Ilang miyembro ng Sexbomb girls, ipinatutugis na sa NBI ang nanggugulong "fan"

- Humingi na ng tulong sa NBI ang tatlong miyembro ng Sexbomb girls na sina Grace, Jopay at Aira

- Matindi na umano ang ginagawa ng basher na nagpanggap pa na fan na sa pantaha nila'y iisang tao lamang

- Mayroon pa umanong nagpanggap na kilala umano ang basher na ito na namasukan pang kasambahay kay Grace

- Nang subukan naman ni Grace na tawagan ang numero ng sinasabing basher, laking gulat niya nang mag-ring ang cellphone ng kasambahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog na sa National Bureau of investigation ang tatlong miyembro ng Sexbomb girls dahil sa matinding panggugulo umano sa kanila ng basher na nagpakilala pang fan.

Nalaman ng KAMI na nais nang matuludukan nina Jopay, Aira at Grace ang ginagawa ng basher na ito na hinala nila ay iisang tao lamang.

Nag-viral na ale dahil sa pangungutya sa mga miyembro ng LGBT, kinasuhan na

Kwento ni Aira sa panayam sa kanila ng GMA News habang sila ay nasa NBI, pati raw umano ang kanilang mga pamilya ay nadadamay sa panggugulo ng basher.

Ilang miyembro ng Sexbomb girls, ipinatutugis na sa NBI ang nanggugulong "fan"

Sexbomb dancers (Photo from Sexbomb girls)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ang malala pa nito ay ang ginawa umano ng isang nagpanggap na fan kay Grace na sinabing maituturo ang basher kapalit ng pagiging kasambahay nito sa kanila.

Sa awa umano ni Grace, tinanggap niya ang nagpanggap na fan bilang kasamahan sa kanilang bahay. Subalit laking gulat niya nang minsang sinbukan niyang tawagan ang numero ng sinabi nitong basher, nag-ring ang cellphone ng kasambahay. Kinabukasan ay umalis na raw ito ng walang paalam.

May pagkakataon ding ginagamit pa umano ng basher ang kanilang address upang magpadeliver ng online. Nagugulat na lamang sila sa delivery na hindi naman sila ang nag-order.

"Kung sa tingin mo malilinlang mo kami, maloloko mo kami, mapapaikot mo kami, ang batas, hindi mo mapapikot... Mahuhuli at mahuhuli ka kahit ilang account pa ang gamitin mo!" ang mensahe ni Jopay sa misteryosong basher nila.

Sanggol, nakumpirmang napalitan sa ospital dahil sa negatibong DNA test

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Sexbomb girls ay kilalang grupo ng mga dancers na sumikat sa Eat Bulaga. Ang ilan sa kanila ay patuloy na napapanood sa telebisyon tulad nina Rochelle Pangilinan at Sunshine Garcia na pawang naging mga artista na rin.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Noong nakaraang taon 2020, muling nag-viral ang kanilang popular na kantang "Spageti song" na umano'y may koneksyon sa paglaganap ng COVID-19.

Samantala, isa rin sa kanilang miyembro na si Izzy Trasona ay gumagawa ng ingay sa TikTok world dahil sa mga dance videos na ginagawa niya kasama ang kanyang binatilyong anak na si Sebastian.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel