5 na maiinit na kontrobersiyang bumalot sa Pinoy showbiz sa taong 2020

5 na maiinit na kontrobersiyang bumalot sa Pinoy showbiz sa taong 2020

Ngayong 2020, bukod sa mga suliraning dala ng COVID-19 ay binalot din ng matitinding kontrobersiya ang Pinoy show business na talaga namang pinag-usapan ng marami.

Masasabing kasabay ng pandemya ay maraming pagsubok ang dinanas ng industriya na nakaapekto maging sa mga sikat at kilalang artista. Sa kabila nito, kinapulutan pa rin ito ng aral ng publiko.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

1. ABS-CBN shutdown

Nitong Mayo ay maraming Kapamilya ang nadurog ang puso sa biglaang pagsasara ng ABS-CBN na hindi na muling napahintulutan na makapag-renew muli ng kanilang prangkisa para maipagpatuloy ang operasyon. Dahil dito, maraming mga Kapamilya stars ang lumipat sa ibang network dahil umano kailangan pa rin nilang maghanapbuhay.

2. Kasalang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo

Nitong Pebrero bago pa man tuluyang lumaganap ang COVID-19 sa bansa ay ginanap ang biglaang pagpapakasal nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Sinasabing hindi pa rin umano ito aprubado ng mga magulang ng PopStar Royalty. Kaya naman ang hiling ng kanyang mister ay dumating ang araw na magiging maayos na rin ang lahat sa pagitan niya at mga magulang ng pinakamamahal niyang misis na si Sarah Geronimo-Guidicelli.

Read also

6 Pinoy celebrity houses na ipinasilip ngayong 2020

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

3. Alegasyon kay Super Tekla ng kanyang dating partner na si Michelle Bana-ag

Gumulantang sa publiko ang pagsusumbong ni Michelle Bana-ag tungkol sa di umano'y di magagandang nagawa sa kanya ng partner na si Super Tekla Librada. Nakarating pa umano ito sa programa ni Raffy Tulfo kung saan tumulong ang hari ng public service upang maisaayos ang lahat at malaman kung sino ang nagsasabi ng katotohanan. Tuluyan nang naghiwalay ang dalawa subalit tuloy pa rin ang sustento ni Tekla sa kanilang anak na si Baby Angelo.

4. Janella Salvador pregnancy rumors

Isa rin sa pinag-usapan ngayong taon ang di umano'y pagdadalang-tao ng young star na si Janella Salvador kung saan ang ama ay ang kanyang boyfriend na si Markus Paterson. Lalong naging mainit ang isyu nang sumunod sa UK ang ina ni Janella na si Jenine Desiderio kung nasaan ang magkasintahan. Ilan fans ang nagsabi na nakapanganak na ang aktres. Hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon ang isyu na ito.

Read also

Panaghoy ng mga tao, rinig sa aktwal na video ng libing ng mag-inang Gregorio

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

5. 'Bawal Lumabas' statement ni Kim Chiu

Sa kabila ng mga negatibong komento at kritisismong tinanggap ni Kim Chiu kaugnay sa kanyang pahayag na "Bawal Lumabas" sa "Laban Kapamilya" live streaming, agad naman niyang naibangon ang kanyang sarili at nagawa pa itong isang kanta. Sa tulong ng isang netizen na si Adrian na siyang nagbigay ng iba pang lyrics sa kanta, at ni DJ Squammy na siyang naglapat ng tono at kabuuang musika, naging instant hit ang awiting ito ni "Chinita Princess"

DISCLAIMER: The views and opinions expressed in this article belong solely to the author and not to KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel