Anak ng OFW, humingi ng tulong para mapauwi ang minamaltratong ina na nasa Saudi

Anak ng OFW, humingi ng tulong para mapauwi ang minamaltratong ina na nasa Saudi

- Humingi na ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo ang anak ng OFW upang mapauwi ang kanyang ina

- Marso pa sana ito nakauwi subalit hanggang ngayon ay nagtitiis pa rin ito sa pagmamalupit ng amo nitong babae

- Bukod sa panankit, hindi rin ito napapakain ng maayos kaya makikita sa video ang laki ng ibinagsak ng katawan nito kumpara sa larawang ipinakita ng anak

- Gumagawa na ng paraan ang programa ni Tulfo kaugnay sa sitwasyong ito lalo na at wala ring maayos na maisagot ang agency ng OFW

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo na 'Idol in Action' ang anak ng overseas Filipino worker na nasa Saudi dahil sa nakararanas daw umano ito ng pang-aabuso ng amo.

Nalaman ng KAMI na Marso pa sana nakauwi ang OFW na si Maritess Baonguis subalit magpasa-hanggang ngayon ay nagtitiis pa rin ito sa kamay ng amo niyang babae na siyang nagmamalupit sa kanya.

Netizen, nais matulungan ang 73-anyos na ice drop vendor na nakatulog sa paglalako

Kwento ng kanyang anak, palihim nilang nakakausap ang ina bago raw ito matulog o minsan naman ay patago na talaga lalo na kung labis na itong nahihirapan sa ginagawa ng kanyang among babae sa kanya.

Anak ng OFW, humingi ng tulong para mapauwi ang minamaltratong ina na nasa Saudi

Raffy Tulfo Photo from @raffytulfoinaction
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bukod kasi sa pananakit ay hindi pa ito napapakain ng maayos kaya naman malaki na ang ipinayat nito kumpara sa mga larawang ipinakita ng anak.

Hindi raw magawang manlaban ng OFW dahil buntis ang amo niyang babae.

Nang tanungin naman ang agency ng OFW na Businesswise International Resource, sinabi nitong gumagawa raw sila ng paraan para matulungan si Maritess subalit mapapansing tila hindi sigurado ang secretary nito na nakapanayam ng 'Idol in Action.'

Kaya naman minabuti ng programa na idiretso na sa OWWA ang sitwasyon kung saan ang mismong administrator nito na si Atty. Hans Cacdac na ang nagbigay ng kasiguraduhan na paparating na ang tulong kay Maritess.

Vendor ng mani, napaiyak matapos matangay ng hold-upper ang kanyang pinaghirapan

Narito na ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Isa sa malalapit sa puso ni Tulfo ang mga OFW na madalas din niyang maaabutan ng tulong lalo na kung ang mga ito ay labis na nadedehado na sa ibang bansa.

Minsan pa nga, matapos na mapauwi ang isang OFW ay binibigyan din nila ng pangkabuhayan lalo na kung hindi na muli ito makakapangibang-bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel