Netizen, nais matulungan ang 73-anyos na ice drop vendor na nakatulog sa paglalako

Netizen, nais matulungan ang 73-anyos na ice drop vendor na nakatulog sa paglalako

- Nag-post ang isang netizen tungkol sa namataan niyang ice drop vendor na nakatulog na umano sa paglalako

- 73-anyos na raw ito at hirap nang maglakad, kuha pa raw ang larawan noong bisperas ng pasko ngunit makikitang naglalako pa rin si lolo

- Napag-alaman niyang mabait daw ito at ipinamimigay na lang ang paninda sa mga bata kung hindi maubos

- Hiling ng netizen na matulungan ang matanda upang hindi na ito maghirap sa pagtitinda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post na orihinal na ibinahagi ni Carlos Pajo tungkol sa isang ice drop vendor na nakatulog na sa paglalako.

Nalaman ng KAMI na 73-anyos na ang tindero ng ice drop na marahil dala ng matinding pagod, nakaidlip na habang naghihintay ng mga bibili sa kanyang paninda.

Ayon sa The Philippine Star, nakita raw umano ni Carlos ang matanda nang bumili sila sa ardo Public Market, Cebu City.

Read also

3-year-old boy, napagbayad ng P4,000 ang pamilya dahil sa mga na-order online

Netizen, nais matulungan ang 73-anyos na ice drop vendor na nakatulog sa paglalako
Photo from Carlos Pajo
Source: Facebook

Naisipan niyang ibahagi ang larawan ng lolo upang maihingi ito ng tulong dahil kitang-kita naman na ang pagod sa kanyang paghahanapbuhay.

Sa ulat ng Cebu Daily News, Semion pala umano ang pangalan ng matanda na dati na umano nilang naiulat noong naghahanap ito ng matitirahan.

Ngayon, nakikitira na siya sa kanyang kapatid at upang makatulong sa pang-araw araw na gastusin ay naglalako ito ng ice drop.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dagdag pa ni Carlos, hirap nang maglakad ang lolo kaya naman hindi nakapagtatakang makaidlip ito nang pansumandaling nagpahinga.

Nalaman din umano ng netizen na mabait ang tinderong ito dahil nagagawa nitong ipamigay ang kanyang paninda sa mga bata kung hindi na ito mabenta sa isang araw.

Ayaw maging pabigat ng matanda sa kanyang pamilya kaya naman kahit na mahirap para sa kanya, tuloy pa rin ang kanyang pagkayod ayon sa News5.

Read also

Panaghoy ng mga tao, rinig sa aktwal na video ng libing ng mag-inang Gregorio

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, nag-viral din ang video ng isang basahan vendor na nagkaroon pala ng mild stroke.

Dahil nakita ng marami ang kanyang kalagayan, dinagsa siya ng tulong kabilang na rito ang mula kay Raffy Tulfo at sa matulunging vlogger na si Basel Manadil.

Gayundin ang isang Korean na nagtitinda ng noodles sa gilid ng kalsada sa Las Piñas City na nag-viral. Napag-alamang naghihikahos na rin ito kaya naglalako na lamang ng mga Korean products kaya naman natulungan din ito ni The Hungry Syrian Wanderer.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel