6 Pinoy celebrity houses na ipinasilip ngayong 2020

6 Pinoy celebrity houses na ipinasilip ngayong 2020

Ilan sa mga Pinoy celebrities ang nagpaunlak na ipasilip ang naglalakihan at naggagandahan nilang tahanan. Ang ilan ay namumuhay mag-isa habang ang ilan naman ay kasama pa rin ang kani-kanilang mga pamilya.

Narito ang anim sa mga artistang ibinahagi ang isa sa mga katas ng kanilang pinaghirapan sa showbiz.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

1. Derek Ramsey at Andrea Toress

Sa kanilang YouTube channel noon na Andrek vlogs, ipinakita ng noo'y magkasintahang sina Derek Ramsey at Andrea Torres ang tahanan nilang puno ng sining. Bagaman at hindi na sila couple sa ngayon, pumukaw pa rin sa atensyon ng marami ang kanilang pa-house tour dahil sa nakamamanghang art pieces sa loob at labas ng kanilang bahay.

2. Lovi Poe

Isa rin ang Kapuso star na si Lovi Poe sa mga nagpakita ng kanyang tirahan ngayong taon. Sa programang Mars Pa More, ipinasilip ni Lovi ang kanyang classy na tahanan. Litaw na litaw ang pagiging fashionista at stylish niya sa kanyang bahay.

Panaghoy ng mga tao, rinig sa aktwal na video ng libing ng mag-inang Gregorio

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

3. Bea Alonzo

Masayang ipinakita ni Bea Alonzo ang kanyang napakagandang tahanan na bagaman 2012 pa naitayo ay ngayon lamang niya maibabahagi sa publiko. Sa kanyang YouTube channel, nagpaunlak ng house tour si Bea. Ayon sa kanya, marami siyang magagandang alaala sa tahanan na iyon.

4. Ruffa Mae Quinto

Bagaman at wala sa Pilipinas, ipinakita pa rin ni Ruffa Mae Quinto ang bago nilang tahanan sa California, USA. Kasama ang kanyang anak na si Athena, ipinakita ni Ruffa Mae ang ilang silid sa kanilang California home na labis niyang ipinagpapasalamat sa mister na si Trevor Magallanes

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

5. Xian Lim

Sampung taon nang naninirahan si Xian Lim at kanyang pamilya sa kanilang kasalukuyang bahay. Dekada 80 pa raw talaga ng ito ay maipatayo ngunit ilang house renovations na rin ang nagawa rito. Isa sa mga agaw-pansin sa kanyang tahanan ay ang kumpletong gym equipments niya na makikita sa kanilang pool area.

Janella Salvador, umalma sa mga Pinoy na body shamers

6. Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

Nagdiwang ng Pasko sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa kanilang bagong bahay na ipinasilip nila sa isang video habang binubuo nila ang Christmas tree sa loob nito. Espesyal ang Kapaskuhan ngayong taon para sa dalawa dahil ito ang unang beses na ipagdiriwang nila ito bilang mag-asawa.

DISCLAIMER: The views and opinions expressed in this article belong solely to the author and not to KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel