Netizen, nagulat sa nabiling cabinet online na kasing laki lang pala ng isang kamay

Netizen, nagulat sa nabiling cabinet online na kasing laki lang pala ng isang kamay

- Ikinagulat ng isang netizen ang cabinet na na-deliver sa kanila na kasing laki lamang ng kanyang mga palad

- Na-order umano ito ng kanyang ina sa online store sa halagang P700 at hindi nila akalain na ganoon ito kalaki

- Nagtaka sila isang araw nang dumating ang package na nasa maliit na kahon gayung cabinet ang kanilang hinihintay

- Dinaan na lang sa biro ng uploader ang natanggap na cabinet lalo na at marami na sa atin ang minsan nang nabiktima ng maling item mula sa mga online store

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang nakakaaliw na post ng netizen na si Gio Lumines kung saan nagulat sila sa package na dumating na order umano ng kanyang ina sa isang online store.

Nalaman ng KAMI na P700 ang halaga ng cabinet kaya marahil na-engganyo ang ina ni Gio na bumili gayung maganda ang itsura nito at tila marami ang mailalagay sa ganoong halaga.

Read also

Netizen, nais matulungan ang 73-anyos na ice drop vendor na nakatulog sa paglalako

Subalit laking pagtataka nila nang ang dumating ay maliit na kahon gayung cabinet ang inaasahan nilang ide-deliver sa kanila.

Netizen, nagulat sa nabiling cabinet online na kasing laki lang ng kanyang kamay
Photo from Gio Lumines
Source: Facebook

Nang makita nila ang item, doon nila napagtanto na iyon na pala ang cabinet na na-order ng kanyang ina.

"'Di bale cute naman," ang nasabi na lang ni Gio.

Aliw na aliw naman ang mga netizens na tila naka-relate sa karanasan nina Gio ay nanay nito. Ang ilan pa sa kanila, ipinakita ang mga "mini" items na kanila ring natanggap at hindi nila inaasahan na iyon ang kanilang na-order.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang kanilang mga komento:

"Hindi ka nag-iisa bro, sa amin naman chair. Pagdating upuan pala ni Barbie"
"Biktima rin po ang nanay ko, sewing machine po pero laruan pala. Pang-display lang talaga"
"Excited din kami parang mama mo pero laking gulat namin, sala set ng daga pala ang dumating"

Read also

3-year-old boy, napagbayad ng P4,000 ang pamilya dahil sa mga na-order online

"Yung sa mama ko naman maleta, akala niya nakamura siya online. Buti nag-pandemic di kami natuloy umalis"
"Minsan sa sobrang excited ng mga nanay nangyayari talaga yan lalo na yung first time. Ako nanay din, at isa ako sa biktima ng ganyan. Feeding bottle pa naman order ko, pang baby doll pala!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, nag-viral ang post ng isang tiyo kung saan naikwento niya ang pag-order ng kanyang tatlong taong gulang na pamangkin ng mamahaling laruan online. Nagulat na lang sila nang magsidatingan ang mga order nito na nagawa ng bata nang minsan nakilaro ito sa cellphone ng ina.

Samantala, isang bata rin ang nag-viral nang madismaya ito at maling bag ang nadeliver sa kanya na order ng kanyang ina sa isa ring online store.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel