Nagbihis Santa Claus, may COVID-19 pala at sinasabing nakahawa ng 121 katao

Nagbihis Santa Claus, may COVID-19 pala at sinasabing nakahawa ng 121 katao

- Isang nagbihis ng Santa Claus sa Belgium ang sinasabing nakahawa ng COVID-19 sa binisita nitong Home Care

- Tinatayang nasa 121 katao sa home for the aged na binisita ng nagbihis Santa Claus ang nahawa at 36 sa mga ito ay mga staff

- 18 na ang naitalang pumanaw dahil sa coronavirus kung saan lima sa kanila ay pumanaw sa bisperas ng Pasko

- Bagaman at nakasuot ng face mask, hindi pa rin daw umano magandang ideya ang pagbisita ng nagbihis Santa Claus para mapasaya raw ang mga tao sa home care

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang lalaking nagbihis Santa Claus kasama ang mga Santa's helpers ang bumisita sa isang Home care sa Belgium na tinatayang may 150 katao.

Nalaman ng KAMI na nagbihis Sinterklass o Santa Claus ang lalaki upang mapasaya ang matatanda sa home for the aged.

Pasyenteng nagpositibo sa COVID-19, kumpirmadong galing sa United Kingdom

Ayon sa ulat ng Daily Mail, tatlong araw mula nang bumisita ang 'Santa Claus', nagpositibo ito sa COVID-19.

Nagbihis Santa Claus, may COVID-19 pala at nakahawa sa 121 na katao

Photo from PxHere
Source: UGC

Bagaman at nakasuot ito ng mask gayundin ang kanyang mga kasamang 'Santa's helpers', hindi maiiwasang lumapit ito sa mga matatanda at mga staff ng home care.

Mula rin nang ito ay magpunta sa home care, unti-unti nang nagkaroon ng coronavirus ang mga binisita.

Umabot na sa 121 ang mga nagpositibo sa virus kung saan 36 dito ay kanilang mga staff.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kinumpirma naman ng Metro UK na 18 na ang naitatalang namatay sa naturang home care dahil sa COVID-19. Lima rito ay pumanaw noong bisperas at mismong araw ng pasko.

"We’re expecting up to ten difficult days" ayon kay Wim Caeyers sa mayor ng Mol kung nasaan ang Hemelrijck care home.

Janella Salvador, umalma sa mga Pinoy na body shamers

Ayon sa Independent, kinukumpirma pa ng mga awtoridad kung ang nagbihis Santa Claus nga ba ang nakahawa ng virus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, isang 82-anyos na COVID-19 ang napaslang ng kanyang roommate dahil lamang umano sa pagdarasal nito.

Samantala, nagbigay pag-asa naman ang 90-anyos na unang nakatanggap ng COVID-19 vaccine mula sa Pfizer-BioNTech.

Marami ang umaasa na sa pagbukas ng bagong taon 2021, unti-unti nang makakabangon ang mundo sa hirap na dinanas dahil sa coronavirus 2019.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel