Panaghoy ng mga tao, rinig sa aktwal na video ng libing ng mag-inang Gregorio

Panaghoy ng mga tao, rinig sa aktwal na video ng libing ng mag-inang Gregorio

- Maririnig ang lakas ng panaghoy ng mga nakipaglibing sa mag-inang Sonia at Frank Anthony Gregorio

- Daan-daang tao ang nakiisa sa paghahatid sa huling hantungan ng mag-inang napaslang ng kanilang kapitbahay na pulis na si Jonel Nuezca

- Bukod sa mga kaanak, hustisya ang sigaw ng mga kaibigan at nakikidalamhati sa pagpanaw ng mag-ina

- Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek na pulis na kusang sumuko ilang oras matapos ang nagawang karumaldumal na krimen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naihatid na sa huling hantungan ang mag-inang sina Sonia at Frank Anthony Gregorio, umaga ng Disyembre 27.

Nalaman ng KAMI na daan-daang katao ang nakiisa sa paglalagak sa libingan ng mag-inang pinaslang sa labas mismo ng kanilang tahanan noong Disyembre 20.

Sa video na kuha ng 24 Oras sa mismong libing ng mag-inang Gregorio, maririnig ang lakas ng panaghoy ng mga taong labis na nasasaktan sa biglaang pagkamatay ng dalawa.

Vendor ng mani, napaiyak matapos matangay ng hold-upper ang kanyang pinaghirapan
Panaghoy ng mga tao, kinig sa aktwal na video ng libing ng mag-inang Gregorio

Photo: (svntn17crt)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Halos himatayin ang mister ni Sonya sa tindi ng emosyon, na agad naman pinaupo na lamang upang mai-ayos ang sarili.

Gayundin ang naiwang misis ni Frank Anthony na walang tigil ang pagluha sa libing ng asawa.

Bumuhos din ang emosyon ng mga naiwang anak ni Sonia, lalo na at mayroon pa itong pinaaaral na dalawang nasa senior high school.

Maging ang mga dumalo at nakidalamhati sa libing ay hindi naiwasang maging emosyonal dahil sa sinapit ng mag-ina.

Itim na t-shirt na may mga guhit ng mukha nina Sonia at Frank at nakasulat na 'Justice' ang suot ng pamilya Gregorio.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isang linggo na ang nakalipas nang mapaslang ng pulis na si Jonel Nuezca ang nakaalitang mag-ina na sina Sonia at Frank Gregorio.

Madamdaming tagpo sa libing ng mag-inang Gregorio, ibinahagi ng RTIA

Nagsimula umano ito nang magpaputok ng boga si Frank na siyang dahilan kung bakit napasugod ang kapitbahay nilang si Nuezca.

Ilang oras matapos ang nagawang krimen, sumuko rin ang suspek na pulis sa awtoridad. Kasalukuyan na itong nasa piitan at nahaharap sa kasong double murder.

Pitong saksi na ang nakakausap ng pulisya kaugnay sa kaso at maging ang dalawang menor de edad na kumuha ng video na kumalat sa social media ay pinayagan na ring magbigay ng testimonya. Maging ang mga cellphone nila na ginamit sa pag-video ay nasa kamay na rin ng awtoridad.

Umaasa ang pamilya Gregorio na mapapabilis ang pagkamit nila ng hustisya sa walang-awang pamamaslang dalawang mahal nila sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel