Liz uy, ibinida ang kanyang baby bump sa pangalawang pagbubuntis

Liz uy, ibinida ang kanyang baby bump sa pangalawang pagbubuntis

- Matapos ibahagi ang tungkol sa kanyang pagpapakasal at pagbubuntis, ibinahagi ni Liz Uy ang ilan sa kanyang mga litrato

- Ibinida niya ang kanyang baby bump sa kanyang pinagbubuntis na pangalawang anak nila ng negosyanteng si Raymond Racaza

- Matatandaang kabilang sa ibinalita ni Liz ay ang dinaranas niyang labis na pagsusuka kaya bumaba ang kanyang timbang

- Upang makatulong sa kanyang kalagayan, napagpasyahan ni Liz na mag-ehersisyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos niyang isapubliko ang tungkol sa estado ng relasyon niya sa ama ng kanyang anak na si Raymond Racaza at ang tungkol sa muli niyang pagdadalang-tao, ibinahagi ni Liz Uy ang kanyang picture kung saan makikita ang kanyang lumalaking tiyan o ang kanyang baby bump.

Makikita sa kanyang ibinahaging litrato na nakasuot siya ng exercise outfit. Matatandaang nabanggit niya sa kanyang isinulat na artikulo sa Philippine Star ang tungkol sa kanyang pinagdadaanan sa kanyang pagbubuntis.

Read also

China Roces, napaiyak dahil sa tuluyan nilang paghihiwalay ni Tim Sawyer

Liz uy, ibinida ang kanyang baby bump sa pangalawang pagbubuntis
Liz uy (@lizzzuy)
Source: Instagram

Dahil nakakaranas siya ng labis-labis na pagkahilo at pagsusuka na tinatawag ding Hyperemesis Gravidarum, natuklasan niyang ang pag-eehersisyo niya ay nakakatulong sa kanyang pinagdadaanan.

Parehas din umano ito sa dinanas ni Liz sa kanyang pagbubuntis niya sa panganay na anak nila na pinangalanan nilang Xavi.

Ayon pa kay Liz, maging ang mga inumin kagaya ng orange juice ay hindi madaling inumin dahil ilalabas lamang niya iyon. Dahil sa kalagayan niya ay bumaba na rin ang kanyang timbang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ipinanganak ni Liz ang anak nila ni Raymond Racaza na si Xavi noong September 20, 2017. Ngunit noong March 2018 lamang ipinakilala sa publiko ni Liz ang anak sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Isinapubliko ni Liz ang tungkol sa engagement nila ni Raymond noong October 27 ng kasalukuyang taon.

Read also

Markus Paterson, ibinahagi ang nakakakilig na lambingan nila ni Janella Salvador

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Naging usap-usapan ang tungkol sa pagbubuntis niya kasunod ng mga makahulugang post ng dating asawa ni Racaza sa social media.

May naging pasaring ito tungkol sa pang-aagaw. Gayunpaman, sa kasalukuyan, may lumabas na balitang engaged na rin ang dating asawa ng businessman.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel