Janella Salvador, umalma sa mga Pinoy na body shamers

Janella Salvador, umalma sa mga Pinoy na body shamers

- Matapos magbahagi ng ilang mga video kasama ang kanyang kasintahang si Markus Paterson, inalmahan ni Janella Salvador ang mga komento sa kanya

- Pinalagan niya ang mga Pinoy na kanyang inilarawan bilang isa sa pinakamatitinding body shamers

- Marami ang nakapansin sa pagdagdag ng timbang ng aktres mula nang pumunta ito sa United Kingdon kung saan nakasama niya si Markus

- Matatandaang Setembre ng kasalukuyang taon nang isapubliko ng dalawa ang tungkol sa kanilang relasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inalmahan ni Janella Salvador ang mga komento ng mga netizens sa kanyang pagdagdag ng timbang. Aniya ang mga Pinoy ay "worst body shamers."

Bago pa man niya ihayag ito sa Twitter, ibinahagi nila ni Markus ang video nilang dalawa kung saan marami ang nakapansin sa naging pagbabago sa katawan ni Janella.

Janella Salvador, umalma sa mga Pinoy na body shamers
Markus Paterson and Janella Salvador (@markus)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Vendor ng mani, napaiyak matapos matangay ng hold-upper ang kanyang pinaghirapan

"Filipinos are the worst body shamers. Let me enjoy my christmas pudding in peace. Happy holidays to you too!"

Ito ang kanyang pahayag kasunod ng mga komento at reaksiyon ng mga Pinoy netizens matapos nilang ibahagi ang video.

Marami naman ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa aktres.

Ok lang naman na tumaba ka kasi maganda ka pa din. ang hindi lang maganda kung totoo man na nanganak ka tapos dineny mo. dapat proud ka kc may baby kana.
Hindi naman lahat pero karamihan talaga ng Pinoy ganyan makita ka lang tumaba. Sasabihin na agad uy ang taba mo na! Aray naman dahan dahan d ba? Hindi naman kami nanghihingi ng pambili ng pagkain sa inyo. Sa U.S and other countries wala silang pakialam sa weight ng kapwa nila dito lang tlaga susko titigan pa tiyan at mga bilbil mo kaloka d ba? #NOTOBODYSHAMING
Yep, I agree with that. Aaminin ko na body shamer din ako but tinatago ko nalang sa sarili ko kasi mismo nga sarili ko binabody shame ko. Sometimes kasi better shut up nalang people kesa sa makasakit pa nang iba.

Read also

Sharon Cuneta, personal na pinagsilbihan ang mga kasambahay ngayong pasko

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Janella Salvador ay nakilala sa kanyang husay sa pag-awit at sa pag-arte. Naipareha siya kay Elmo Magalona sa teleseryeng Born For You. Gayunpaman, hindi naging maganda ang kinalabasan ng kanilang relasyon matapos sabihin ni Janella na sinaktan umano siya ni Elmo.

Nagkatampuhan din si Janella at ang ina nito noong panahong napapabalitang si Elmo ang kanyang karelasyon.

Kamakailan ay nag-viral din ang video ni Markus kasama si Janella na sumasayaw. Ibinahagi din nila ang ilang litrato ng kanilang bonding moments.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel