KC Concepcion, ipinasilip ang kanyang sosyaling bag collection

KC Concepcion, ipinasilip ang kanyang sosyaling bag collection

- Isang pasilip sa kanyang bag collection ang handog ni KC Concepsion sa kanyang followers

- Kahit hindi niya masyadong hilig na ipakita ang mga bagay na meron siya, nais niya umanong pagbigyan ang kanyang mga subscribers kaya pinagbigyan niya ang mga ito

- Ibinahagi ni KC na ang ilan sa mga branded bags na kabilang sa kanyang koleksiyon ay galing sa kanyang lola

- Unang bahagi pa lang ang kanyang ipinakita sa kanyang unang video at mayroon pa itong pangalawa at pangatlo ayon na rin sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Para pagbigyan ang kanyang mga subscribers at followers, isang video ang ibinahagi ni KC Concepcion kung saan pinakita niya ang kanyang bag collection.

Ayon kay KC, hindi siya mahilig na ipakita ang mga bagay na mayroon siya ngunit, isa umano sa pinaka in-demand na request ay ang kanyang bag collection.

Read also

OFW, proud sa amo niyang ipinaghanda at niregaluhan pa siya noong Pasko

Tatlong bahagi ang kanyang bag collection episode marahil dahil na rin sa dami ng mga ito.

KC Concepcion, ipinasilip ang kanyang sosyaling bag collection
KC Concepcion (@itskcconcepcion)
Source: Instagram

Nagsimula ang kanyang bag collection noong nag-graduate siya sa college.

Ang dalawang travel trunks ang kanyang pinakagusto umano dahil mahilig siya sa mga classic at vintage.

Ayon kay KC, ilan sa kanyang mga bag ay galing sa kanyang lola na tinatawag niyang "Mita." Kwento ni KC, nakahiligan ng kanyang lola na bigyan siya ng kanyang mga bag na bumabagay sa kung anong suot niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito naman ang ilan sa mga komento at reaksiyon ng mga netizens:

Grabe! Vintage kung vintage, mas mahal yan compared sa mga trendy. KC is the real "crazy rich asian" super humble lang talaga sya gusto ko din yung "I buy emotionally" sana all we can buy depends on our emotions

Read also

Janice de Belen, pinasilip ang kanyang bonggang kitchen

That’s right, being true to oneself makes you realize who would truly love and appreciate you as a person. I like how you are so transparent on this video, no filter, it’s so you and we like that. You just proved that you are living amongst us and we appreciate that:)
Our wish is granted, in a three-part series pa! I will savour every single minute of the stories behind the beautiful bags! Thank you soooo much for this Christmas present, Kace!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si KC ang panganay na anak ni Sharon Cuneta sa dating asawang si Gabby Concepcion. Matapos maghiwalay ng kanyang mga magulang, kinilala niya ring ama si Senator Francis Pangilinan. Nagtapos siya ng bachelor's degree in International Corporate Communications with a minor in Theatre Arts sa American University of Paris.

Read also

OFW na di nakauwi dahil sa pandemya, nakapagpatayo naman ng sariling bahay

Kamakailan ay inalmahan ni Sharon ang komento ng netizen na laki sa lola umano ang anak na si KC. Minsan niya nang naibahagi kung paano niya pinagsikapang itaguyod at palakihin si KC mag-isa kasunod ng paghihiwalay nila ng dating asawang si Gabby Concepcion.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel