Madamdaming tagpo sa libing ng mag-inang Gregorio, ibinahagi ng RTIA

Madamdaming tagpo sa libing ng mag-inang Gregorio, ibinahagi ng RTIA

- Ibinahagi ng 'Raffy Tulfo in Action' ang madamdaming tagpo sa libing ng mag-inang sina Sonya at Frank Gregorio

- Emosyonal ang lahat sa paghahatid sa huling hantungan ng mag-inang napaslang ng pulis na si Jonel Nuezca noong Disyembre 20

- Isa si Tulfo sa mga nangakong tututok sa kaso upang mapabilis ang pagkamit ng hustisya ng pamilya Gregorio

- Nagbigay na ito ng private lawyer para sa mga Gregorio at iba pang tulong na kanilang kakailanganin habang nasa proseso ang kaso laban kay Nuezca

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila nakikidalamhati ang kalangitan sa libing ng mag-inang sina Sonya at Frank Gregorio ngayon, Disyembre 27, pitong araw mula nang mapaslang sila ng pulis na kapitbahay na si Jonel Nuezca.

Nalaman ng KAMI na bumuhos ang luha at matinding emosyon ng mga kaanak, mga kaibigan at mga sumusuporta sa pamilya Gregorio habang inihahatid nila ito sa huling hantungan.

Panaghoy ng mga tao, rinig sa aktwal na video ng libing ng mag-inang Gregorio

Sa mga larawang ibinahagi ng Raffy Tulfo in Action, makikita ang lungkot at sakit na hatid ng biglaang pagkamatay ng mag-ina.

Madamdaming tagpo sa libing ng mag-inang Gregorio, ibinahagi ng RTIA

Photo from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Makikita ang asawa ni Frank ni walang humpay ang pagluha sa maagang pamamaalam sa mister at naiwan sa kanya ang isang taong gulang nilang anak.

Ang mister ni Sonya na si Florentino ay tumaas ang presyon sa tindi ng emosyon.

Narito ang mga madamdaming larawan na binahagi ng RTIA:

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, isa ang batikang journalist at tinaguriang "Hari ng Public service" na si Raffy Tulfo sa programa niyang 'Raffy Tulfo in Action' sa mga nangako na tututok sa kaso ng mga Gregorio laban kay Nuezca.

Mga naulila ng mag-inang Gregorio, emosyonal na ibinahagi ang resulta ng autopsy

Katunayan, agad na nagpapunta si Tulfo ng kanyang staff sa burol ng mag-ina upang alamin ang mga pangangailangan ng mga ito.

Nagbigay na rin siya ng private lawyer na siyang hahawak sa kaso ng mag-ina.

Bibigyan din niya ng kabuhayan ang mga naulila nina Sonya at Frank lalo na at may mga naiwang responsibilidad pa ang ito. Kay Sonya, ang ina na 94-anyos at dalawang anak na nag-aaral pa ng senior high school at kay Frank naman ang asawa at isang taong gulang na anak.

Maging ang misis ni Frank na may sakit sa puso ay tutulungan din ni Raffy Tulfo.

Disyembre 20 nang maganap ang karumaldumal na krimen sa harap mismo ng tahanan ng mga Gregorio na nakunan ng video ang mga pangyayari.

Ilang oras matapos ang pamamaslang ay sumuko na sa awtoridad ang pulis na si Jonel Nuezca.

Mahaharap ito sa kasong double murder.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel