Delivery rider, naantig sa pamamahagi ng 40 burgers na pinakiusap ng customer

Delivery rider, naantig sa pamamahagi ng 40 burgers na pinakiusap ng customer

- Naantig ang puso ng isang delivery rider sa ipinagawa sa kanya ng isang customer

- Umorder umano ang kanyang cusotmer ng 40 na burger na ipinakiusap sa kanya na ipamahagi sa mga madadaanang taong lansangan

- Maging ang delivery rider ay nabigyan din ng pagkain at may kalakihang tip na maari raw niyang ipambili ng pasalubong sa kanyang pamilya

- Pati ang mga netizens ay natuwa sa kabutihan ng netizen lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post ng Grab delivery rider na si Daniel Chua tungkol sa naging customer niya na nagdala ng good vibes ngayong Kapaskuhan.

Nalaman ng KAMI na umorder umano ang customer na si "Nico" ng 40 piraso na burger.

Nang tanungin na ni Daniel kung saan ang drop-off point ng mga pagkain, doon na sinabi ng customer ang kanyang plano.

Netizen na naluha dahil sa mantika na inakalang ice cream, kinagiliwan ng netizens
Delivery rider, naantig sa pamamahagi ng 40 burgers na pinakiusap ng customer

Photo from Daniel Chua
Source: Facebook

"Kuya, magrequest sana ako. Pag nakuha niyo na po yung burgers, pwede niyo po siyang i-distribute sa mga nakikita niyong nanlilimos?" ang pakiusap ng customer ni Daniel na labis na ikinataba ng kanyang puso.

Bukod pa rito, pati ang rider ay nabahaginan din ng pagkain mula sa pina-order ng customer.

"Thank God at ginawa akong instrumento para maghatid ng mga pagkain para sa mga taong kalye," ang bahagi ng post ni Daniel.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

At dahil sa pakiusap ni "Nico" kay Daniel, binigyan din siya nito ng may kalakihang tip para raw may maiuwi ito sa kanyang pamilya na labis namang ikinatuwa ng rider.

"Thank you sakin pumasok un order mo. Thank you din Grab GrabFood PH at naging kapartner nyo ako , Thank you kay Lord sa lahat ng Blessing na nabigay nya sakin," ang pasasalamat ng rider.

Jonel Nuezca, nagpayahag ng pagsisisi sa unang interview

Marami ang na-inspire sa viral post na ito na talaga namang nagpapakita ng pagtulong at totoong diwa ng kapaskuhan, ang pagmamahal at pagbibigayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nito lamang Nobyembre ay nag-viral din ang post ng delivery rider na namangha sa kanyang customer na naisipang ipamigay ang order.

Halos ganito rin ang kabutihang ipinakita ng nag-viral na pizza delivery rider na ang naiipong tip ang siyang ipinambibili niya ng mga tinapay mula sa bakery at ipinamamagi niya sa mga taong lansangan na alam niyang nagugutom lalo na noong panahon ng lockdown.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel