Mga naulila ng mag-inang Gregorio, emosyonal na ibinahagi ang resulta ng autopsy

Mga naulila ng mag-inang Gregorio, emosyonal na ibinahagi ang resulta ng autopsy

- Nakapanayam ng programang Raffy Tulfo in Action ang dalawang naulilang anak ni Sonya Gregorio

- Mababakas ang pighati sa dalawang anak ni Sonya na nagpaunlak ng panayam lalo na nang pag-usapan ang masasayang alaala nila sa ina at kapatid na pinaslang ng pulis

- Ibinahagi rin nila ang resulta ng autopsy sa bangkay ng ina at kapatid at masasabing siniguro raw ng pulis na patay nga ang dalawa

- Sinabi rin nilang pagtutulungan nila ang mga naiwang responsibilidad ng ina at kapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nagpaunlak ng panayam sa Raffy Tulfo in Action ang dalawang anak ni Sonya Gregorio na sina Tasha Delos Santos at Neil Gregorio.

Nalaman ng KAMI na sumadya mismo ang staff na ipinadala ni Raffy Tulfo sa Tarlac upang kumustahin ang mga naulila ng mag-inang pinaslang ng pulis na si Jonel Nuezca noong Disyembre 20.

Read also

Mismong kumuha ng video sa pamamaslang sa mag-inang Gregorio, nakapanayam ng RTIA

Unang napansin ng reporter ang sugat sa may siko ni Tasha na buhat di umano sa pagsabunot sa kanya ng anak ni Nuezca.

Mga naulila ng mag-inang Gregorio, emosyonal na ibinahagi ang resulta ng autopsy
Raffy Tulfo Photo from @raffytulfoinaction
Source: Instagram

Si Tasha ang nakunan sa video na pilit na umaawat ngunit nahablot ng anak ng pulis.

Ipinakita rin nila ang electric fan na nadaplisan ng bala kahit nasa loob ito ng kanilang tahanan.

Maaalalang naganap ang krimen sa labas subalit may balang tumagos sa loob ng bahay.

Laking pasalamat nga raw nila na wala umanong nakahiga nang mga oras na iyon sa pwesto kung nasaan ang electric fan dahil kung mayroon, maaring tinamaan din ito ng ligaw na bala.

Ang pinakamasakit ay nang ipinaliwanag na ng magkapatid ang resulta ng autopsy ng bangkay ng inang si Sonya at kapatid na si Frank.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Bakas na bakas ang hirap at pighati na dinaranas ng pamilya Gregorio dahil sa sinapit ng dalawa nilang mahal sa buhay.

Read also

Raffy Tulfo, nagpaabot ng tulong sa mga naulila ng mag-inang Gregorio

Pagsusumikapan na lamang daw nila na matulungan ang mga naiwan pa ng inang si Sonya tulad ng dalawa pa nilang nag-aaral na mga kapatid at maging ang ina nitong 94-anyos na.

Ipinangako rin ni Neil na tutulungan niya ang pamilya ni Frank lalo na ang isang taong gulang na anak nitong bihira nang makasama ang ama ay maaga pang naulila.

Narito ang kabuuan ng panayam kina Neil at Tasha mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Disyembre 20 nang makunan ng video ang aktwal na pamamaslang ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio sa harap mismo ng kanilang tahanan sa Paniqui, Tarlac.

Ilang oras matapos ang krimen, kusang sumuko si Nuezca sa awtoridad at labis daw umano itong nagsisisi sa kanyang nagawa.

Read also

Kaanak ng misis ni Nuezca, ibinahagi kay Raffy Tulfo ang ugali ng mag-asawa

Samantala isa si Tulfo sa nangakong tututok sa kasong ito ng mga Gregorio laban kay Nuezca.

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel