Sharon Cuneta, personal na pinagsilbihan ang mga kasambahay ngayong pasko

Sharon Cuneta, personal na pinagsilbihan ang mga kasambahay ngayong pasko

- Bilang pasasalamat sa kanilang mga kasambahay, pinagsilbihan ni Sharon Cuneta ang mga ito nitong pasko

- Mismong ang Megastar ang naghain ng kanilang pagkain habang sila ay nakaupo at magkakaharap sa hapag-kainan

- Maging ang anak ni Sharon na si Frankie at asawa nitong si Sen. Kiko Pangilinan ay tumulong din

- Marami ang bumilib sa pagiging mapagmahal ni Sharon at ng kanyang pamilya sa kanilang mga kasambahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Sharon Cuneta kung paano nila pinapahalagahan ang kanilang mga kasambahay. Sa kanilang pagdiriwang ng pasko, mismong ang Megastar ang nagserbisyo sa kanila.

Makikita sa Instagram post ni Sharon kung paano niya inasikaso ang mga kasama nila sa bahay na magkakaharap sa dining table.

Maging ang anak niyang si Frankie ay tumulong din sa paglalagay ng kubyertos sa mesa habang si Senator Kiko Pangilinan ay nag-abot ng inumin para sa mga kasambahay.

Read also

Janella Salvador, umalma sa mga Pinoy na body shamers

Sharon Cuneta, personal na pinagsilbihan ang mga kasambahay ngayong pasko
Sharon Cuneta (@reallysharoncuneta)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang humanga sa pagiging mapagmahal ni Sharon at ng kanyang pamilya sa kanilang mga kasambahay. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

Ang swerte nman ng mga yaya mo ate.. Napakabait nyo pong buong pamilya.
Ang saya when your treat everyone like family. Shawie has always been very nice sa mga yaya nya. Naalala ko tuloy si Yaya Luring. Ngayon daming Yaya Luring kasi may mga anak na sya and di pa din nagbago trato nya sa kanila.
This should be an example and a practice every household who has a kasambahay na its not about money all the time you should also give back that good feeling and kindness

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Madamdaming tagpo sa libing ng mag-inang Gregorio, ibinahagi ng RTIA

Si Sharon Cuneta ay isang popular na mang-aawit, aktres, TV host at naging hurado din ng mga talent show sa bansa. Ikinasal siya kay Senator Kiko Pangilinan.

Naging viral kamakailan ang kanyang video kung saan nag-e-exercise siya sa treadmill. Umani din ng samu't-saring reaksiyon mula sa kanyang supporters ang tila pagpapahiwatig niya ng kanyang pagnanais na magretiro sa showbiz.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel