Cherie Gil, ibinahagi ng kanyang saloobin sa engagement ni Andi Eigenmann

Cherie Gil, ibinahagi ng kanyang saloobin sa engagement ni Andi Eigenmann

- Ibinahagi ni Cherie Gil ang kanyang saloobin sa engagement ng kanyang pamangkin na si Andi Eigenmann

- Ayon pa sa kanya, kagaya niya, ang pamangkin niya ay risk taker, fearless at lover of life

- Matatandaang ibinhagi ni Andi kamakailan kung paano nangyari ang proposal ng kanyang partner na si Philmar Alipayo

- Si Andi ay anak ng namayapang aktor na si Mark Gil na kapatid ng primyadong aktres na si Cherie

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Cherie Gil ang kanyang opinyon tungkol sa engagement ng pamangking si Andi Eigenmann sa partner nitong si Philar Alipayo.

Sa isang panayam ng manunulat na si Dolly Anne Carvajal ng Philippine Daily Inquirer, ibinahagi ng primyadong aktres na hiling niya ang kaligayahan ng pamangkin.

I wish I could give her marriage advice, but I’m not the best person to do so. Instead, I will just wish her everything wonderful in this new junction of her life,” aniya.

Read also

KC Concepcion, nagbahagi ng saloobin sa muling pagkikita nila ng ina

Cherie Gil, ibinahagi ng kanyang saloobin sa engagement ni Andi Eigenmann
Philmar Alipayo and Andi Eigenmann (@andieigengirl)
Source: Instagram

Masaya siya para sa pamangking inilarawan niya bilang fearless na kagaya niya.

Hindi umano makakailang masaya si Andi sa kanyang pamilya at sa kanyang partner na si Philmar.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang post ay ibinahagi ni Cherie ang kanyang paghanga sa pamangkin. Binati niya ito noong nanganak siya kay Lilo.

Matatandaang ibinahagi nina Andi at Philmar ang tungkol sa kanilang engagement kamakailan. Sa kanilang YouTube channel ay ibinahagi nila kung paano nangyari ang proposal ni Philmar. Kinabiliban ng netizen ang engagement dahil sa bukod sa simple, marami ang nakaramdam ng pagiging totoo at sincere nilang dalawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Cherie Gil o Evangeline Rose Gil Eigenmann sa tunay na buhay ay isang award-winning actress. Naging bahagi siya ng maraming TV series kung saan kalimitan ay gumaganap siya bilang kontrabida.

Read also

Vice Ganda on Jonel Nuezca case: “Bumalik yung trauma ko”

Matatandaang naging usap-usapan ang batikang aktres dahil sa kanyang pagbabahagi ng saloobin tungkol sa mga mas nakababatang artista na tumatawag sa kanya ng tita. Ibinahagi niya rin ang mga dapat ugaliin ng mga artista sa trabaho.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel