Dalawang batang kumain ng pizza matapos mamasko, umantig sa puso ng netizens

Dalawang batang kumain ng pizza matapos mamasko, umantig sa puso ng netizens

- Viral ang larawan ng dalawang bata na kumain nagawang i-treat ang kanilang sarili at kumain ng pizza

- Kwento ng mismong pizza parlor na kinainan ng dalawa, nagtanong daw ang mga ito ng kung anong size ng pizza ang kasya sa kanilang pera

- Isang staff naman nila ang nagmalasakit at pina-upsize ang pizza na kasya sa pera ng dalawa

- Bakas daw ang kasiyahan sa dalawang bata na nadamihan sa kanilang pagkain ngunit naubos din naman nila bago umalis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan ang dalawang batang lalaki na pumunta sa isang pizza parlor upang i-treat ang sarili ng masarap na pagkain.

Nalaman ng KAMI na tila galing lamang daw sa pamamasko ang dalawa at nagtungo sa pizza parlor para ikain ang perang kanilang napamaskuhan.

"These kids melt our hearts. Galing siguro silang pamamasko and they came to Muzon shop, asking "Ano pong pwede namin bilhin o kasya sa pera namin, yung pinaka mura po?" ayon sa caption ng viral post ng Pan Out Pizza, ang pizza parlor na pinuntahan ng dalawa.

Read also

Mismong kumuha ng video sa pamamaslang sa mag-inang Gregorio, nakapanayam ng RTIA

Dalawang batang kumain ng pizza matapos mamasko, umantig sa puso ng mga netizens
Photo from Pan Out Pizza
Source: Facebook

8-inch pizza lamang ang kasya sa pera ng dalawa na nagnais pa sana ng milk ngunit kinulang na ang kanilang budget kaya naman softdrinks na lamang ang nabiling panulak.

Isang staff naman ang nagmalasakit at pina-upgrade ang size ng pizza ng mga bata.

"They enjoy eating outside at halos di nila maubos ang dami daw but they did," ayon pa sa post.

"Thank you kids for coming at pag ipunan para maka try kayo ng pizza namin," ang pasasalamat ng pizza parlor.

Mababakas sa mukha ng bata na tila nabusog nga ito sa kanilang Christmas treat.

Samantala, nilinaw naman ng Pan Out Pizza na humingi sila ng permiso na kuhanan ng litrato ang dalawang bata.

Dalawang batang kumain ng pizza matapos mamasko, umantig sa puso ng mga netizens
Photo: Screengrab from Pan Out Pizza
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Narito ang ilan sa mga komento na naantig ang mga puso sa ginawa na ito ng dalawang batang nagawang mapasaya ang mga sarili ngayong Kapaskuhan:

Read also

Pulis sa viral video, nagsisisi sa nagawang krimen ayon sa Police official

"Isipin mo yung bata sariling pera yung ginastos para sa pagpapasaya sa kanya pero yung iba diyan panay hingi tapos magagalit pa kapag di binigyan, kung ano ano pa sasabihin"

"Napakasarap talaga maging simpleng bata! Lord, i-bless niyo po yung mga taong tumulong para mapasaya ang mga batang to. At palagi niyo po silang gabayan"

"So cute! I'd rather hear these kinds of stories! Thank you for your kind hearts! More blessing and power! For you guys!"

"Great decision at a young age. Sure maganda samahan neto hanggang pag tanda Galing!"

"Maligaya ang pasko ng mga batang ito na nabusog sa pizza na talagang pinili nila na mapupuntahan ng pinamaskuhan nila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, isang bata rin ang kinagiliwan dahil sa kakaiba niyang dance moves na tinawag na "bulate dance."

Read also

"I Don't Care" ng 2NE1, nag-trending dahil sa viral video ng pulis at mag-ina

Isang batang magalang naman at bibo ang hinangaan sa kung paano siya maglako na talagang mapapabili nga naman ang kanyang malalapitan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel