KC Concepcion, nagbahagi ng saloobin sa muling pagkikita nila ng ina

KC Concepcion, nagbahagi ng saloobin sa muling pagkikita nila ng ina

- Masayng-masaya si Sharon Cuneta nang sorpresahin siya ng anak na si KC Concepcion nitong pasko

- Matapos ang ilang buwan ng napabalitang tampuhan ay muling nagkasamang mag-ina

- Ibinahagi ni Sharon ang kanyang kagalakan na kumpleto ang kanyang pamilya sa pagdiriwang ng pasko

- Hindi din maitago ni KC ang kanyang saya na muli niyang nakasama ang ina at mga kapatid na sina Frankie, Miel at Miguel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinorpresa ni KC Concepcion ang ina ngayong pasko. Matapos ang ilang buwan na hindi nila pagkikita kasunod ng paglabas ng napabalitang tampuhan ay muling nagkasama ang mag-ina.

Sa ibinahaging video ng Megastar makikitang isa-isang niyang kinukunan ang mga handa nila sa dining table ng banggitin ni Senator Kiko Pangilinan na may dalang Turkey si KC at sabay bati ng dalaga ng, “Hi Mom.”

Read also

Mag-inang Julia at Marjorie Barretto, kumasa sa lie detector challenge

Hindi naman maitago ni Mega sa muli nilang pagkikita ng anak.

“Christmas Eve 2020. And a nice surprise,” ani Sharon sa caption ng kanyang ibinahaging video.

KC Concepcion, nagbahagi ng saloobin sa muling pagkikita nila ng ina
Sharon Cuneta and KC Concepcion (itskcconcepcion)
Source: Instagram

Pagbabahagi ni Sharon, ngayon lang sila muling nagkita ng panganak.

“It’s a nice Christmas, God has been so good. The last time I saw KC before tonight was exactly 1 year ago, Christmas eve last year and so she came and surprised us (sabay lingon kay KC), she’s there taking videos. It’s a happy Christmas," ani Mega sa caption ng kanyang social media post.

Maging si KC ay hindi maitago ang galak na muli niyang nakasama ang ina at mga kapatid.

A quiet, peaceful, heartfelt Christmas with my Queen. Merry Christmas, loves!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si KC ang panganay na anak ni Sharon Cuneta sa dating asawang si Gabby Concepcion. Matapos maghiwalay ng kanyang mga magulang, kinilala niya ring ama si Senator Francis Pangilinan. Nagtapos siya ng bachelor's degree in International Corporate Communications with a minor in Theatre Arts sa American University of Paris.

Read also

Sarah Geronimo, ibinahaging dalawang beses nag-propose noon si Matteo Guidicelli

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kamakailan ay inalmahan ni Sharon ang komento ng netizen na laki sa lola umano ang anak na si KC. Minsan niya nang naibahagi kung paano niya pinagsikapang itaguyod at palakihin si KC mag-isa kasunod ng paghihiwalay nila ng dating asawang si Gabby Concepcion.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel