Markus Paterson, ibinahagi ang nakakakilig na lambingan nila ni Janella Salvador

Markus Paterson, ibinahagi ang nakakakilig na lambingan nila ni Janella Salvador

- Ibinahagi ni Markus Paterson ang isang video kung saan kasama niya si Janella Salvador

- Makikitang nakayakap siya sa aktres habang silang dalawa ay nagtatawanan

- Kasalukuyang nasa United Kingdom ang dalawa matapos nilang isapubliko ang tungkol sa kanilang relasyon nitong Setyembre ng kasalukuyang taon

- Marami naman ang kinilig sa video na ibinahagi ni Markus sa kanyang Instagram account

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinilig ng sobrad ang mga tagahanga nina Janella Salvador at Markus Paterson sa isang video na ibinahagi ni Markus sa kanyang social media account.

Makikita sa nasabing video ang dalawa habang nakayakap si Markus sa aktres na nakatalikod naman sa kasintahan.

Kapansin-pansin din ang tawanan ng nila habang tila may pinag-uusapan.

Kasalukuyang nasa United Kingdom ang dalawa kung saan pinanganak si Markus.

Markus Paterson, ibinahagi ang nakakakilig na lambingan nila ni Janella Salvador

Markus Paterson with Janella Salvador (@markus)
Source: Instagram

Samantala, narito ang ilang reaksiyon ng mga netizens:

Roxanne Barcelo, kinuwento ang ilang detalye tungkol sa kanyang pagpapakasal
Mukhang happy and contented naman na si Janella.. ang swerte ng taong ganun ang sarap ng tulog nila.
Mapapa sana all ka na lang talaga.
Sa sobrang sweet... kahit hindi nila ako fan kinilig ako... Legit!

Magmula nang isapubliko nina Janella at Markus ang tungkol sa kanilang relasyon ay malimit na nagbabahagi ang aktor ng mga litrato nila sa social media.

Matatandaang lalong napag-usapan ang tungkol sa diumano'y pagbubuntis at panganganak ni Janella kamakailan matapos maibahagi ng aktor ang litrato ng babae at isang sanggol sa ospital. Hindi naman kinumpirma o di kaya'y itinanggi ng dalawa ng tungkol sa balita.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nitong Setyembre ay sumunod si Janella sa UK kasama ang kanyang inang si Jenine Desiderio na lalong nagpasidhi sa balita tungkol sa kanyang pagdadalangtao. Isinapubliko din ng dalawa ang tungkol sa kanilang relasyon nitong taon.

2 pulis Baguio, suspek sa pagdukot na nakunan ng video at pagpaslang sa isang lalaki

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Janella Salvador ay nakilala sa kanyang husay sa pag-awit at sa pag-arte. Naipareha siya kay Elmo Magalona sa teleseryeng Born For You. Gayunpaman, hindi naging maganda ang kinalabasan ng kanilang relasyon matapos sabihin ni Janella na sinaktan umano siya ni Elmo. Nagkatampuhan din si Janella at ang ina nito noong panahong napapabalitang si Elmo ang kanyang karelasyon.

Kamakailan ay nag-viral din ang video ni Markus kasama si Janella na sumasayaw. Ibinahagi din nila ang ilang litrato ng kanilang bonding moments.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel