Netizen na naluha dahil sa mantika na inakalang ice cream, kinagiliwan ng netizens

Netizen na naluha dahil sa mantika na inakalang ice cream, kinagiliwan ng netizens

- Nag-viral ang post ng isang netizen tungkol sa inakala niyang ice cream na kalaunan ay nalaman niyang mantika pala

- Nakalagay umano sa ice cream tub ang mantika na nasa kanilang freezer

- Excited pa naman daw ang netizen na kumain ng ice cream nitong noche buena ngunit laking pagkadismaya niya nang matikman ito na lasang chicharon

- Umabot sa halos 70,000 na reactions ang naturang post at mayroon na rin itong 79,000 shares

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Aliw na aliw ang maraming netizens sa post ni Kristine Mae Asi tungkol sa mantikang inakala niyang ice cream.

Nalaman ng KAMI na noche buena pa naman at excited na raw si Kristine na kumain ng ice cream subalit nang maisubo na niya ito, lasa raw itong chicharon.

"Yung excited na excited ako mangain ng ice cream pero isang subo ko pa lang nagtaka agad ako kung bakit lasang chicharon!" ang bahagi ng post ni Kristine.

Delivery rider, naantig sa pamamahagi ng 40 burgers na pinakiusap ng customer
Netizen na naluha dahil sa mantika na inakalang ice cream, kinagiliwan ng netizens

Photo from Kristine Mae Asi
Source: Facebook

Nilagay lamang pala umano ang mantika ng baboy sa ice cream tub na at ito ay nasa freezer. Nang tumigas, mukha nga naman itong vanila ice cream.

"Kung sino man naglagay ng mantik ng baboy sa lagayan ng ice cream, wag mo muna akong kausapin!" dagdag pa ni Kristine sa kanya na ngayong viral post.

Nakuha pa umano nitong mag-selfie at maluha-luha siya sa pagkadismaya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na naaliw sa viral post ni Kristine habang ang iba ay naka-relate sa kanya at minsan naring nabiktima ng mantikang nagmukhang ice cream.

"Saklap besh! yung umay ka na sa mga kinain mo at gusto mo matamis sabay mantika ng baboy pala yung akala mo ice cream"

"E mukha nga namang ice cream, sakto fruit salad flavor pa yung lagayan"

Buknoy Glamurrr, may parinig din kasunod ng patutsada ni Awra Briguela

"Kung ang container sana e chocolate label, medyo mawawarningan si ate kaso tugma pa e!"

"Aliw to, mas magandang pangbiktima ang oil kaysa sa isda"

"Yung inakala mong dessert parte pa pala ng putahe niyo"

"Nakakaluha nga yung ganyan, baka mamamatay na sa kakatawa yung naglagay ng mantika sa freezer nila"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay nag-viral din ang video ng isang batang lalaking todo hataw sa pagsasayaw na tinawag nilang "bulate dance" dahil sa sobrang lambot ng katawan ng nakaka-aliw na batang lalaki, para raw itong bulate na walang mga buto.

Gayundin ang isang post tungkol sa souvenir sa binyag na pinagkaguluhan online dahil sa ipinaglalaban umano ng customer na may mali sa pinagpagawan niya nito. Nag-viral ang post dahil maging ang mga netizens ay nais na ring magpaliwanag sa customer na tama umano ang ginawa nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel