Kumuha ng video sa pamamaril ni Nuezca sa mag-inang Gregorio, tetestigo na

Kumuha ng video sa pamamaril ni Nuezca sa mag-inang Gregorio, tetestigo na

- Kinumpirma ni PNP Chief Debold Sinas na tetestigo na ang dalawang nakakuha ng video sa aktwal na pamamaril ni Jonel Nuezca sa mag-inang Gregorio sa Paniqui, Tarlac

- Nakausap na umano nina Sinas ang magulang at tagapag-alaga ng mga menor de edad na siyang nakakuha ng video gamit ang kanilang cellphone

- Kapalit nito ang proteksyon na ipinangako naman sa kanila ng PNP Chief

- Kasalukuyan nang nasa kamay ng PNP cybercrime group ang mga cellphone na ginamit sa pagkuha ng video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tetestigo na ang dalawang menor de edad na kumuha ng ngayo'y viral video ng pamamaril ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac.

Nalaman ng KAMI na mismong si Philippine National Police Chief Debold Sinas ang nagkumpirma nito at nakumbinsi nila umano ang magulang at tagapag-alaga ng 12-anyos at 16-anyos na kumuha ng video gamit ang kanilang mga cellphone.

Read also

Jonel Nuezca, nagpayahag ng pagsisisi sa unang interview

Nakapagsumite na ng sworn affidavit ang dalawang saksi na sasailalim sa witness protection program.

Kumuha ng video sa pamamaril ni Nuezca sa mag-inang Gregorio, tetestigo na
PNP chief Debold Sinas (Photo uploaded by Paul Sugano on Flickr)
Source: UGC

Ayon pa kay Sinas, pumayag na tumestigo ang mga magulang ng dalawang saksi kapalit ng kanilang seguridad.

Kasalukuyan na ring hawak ng PNP cybercrime group ang cellphone ng dalawa na kanilang ginamit sa pagkuha ng video na ngayo'y magsisilbing mabigat na ebidensya laban kay Nuezca.

Bukod sa seguridad ng dalawang menor, sasailalim din umano sila sa psychological intervention lalo na at kitang-kita nila kung paano pinaslang ang mag-inang kaanak pa nila.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni PNP chief Debold Sinas bandang 23:30 ng video mula sa press briefing ng Laging Handa ngayong Disyembre 24.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Disyembre 20 nang maganap ang karumaldumal na pagpaslang ni Police SMSgt. Jonel Nuezca sa nakaalitang mag-inang sina Sonya Gregorio, 52 at anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25.

Read also

Raffy Tulfo, nagpaabot ng tulong sa mga naulila ng mag-inang Gregorio

Papapaputok umano si Frank ng boga ang pinagmulan ng sigalot dahil sa naingayan umano si Nuezca kaya napasugod ito sa mga Gregorio. Nagkainitan ang dalawang panig hanggang sa humantong sa pamamaril ni Nuezca sa mag-ina na nakunan ng video.

Kusang sumuko sa awtoridad ang pulis na suspek sa naturang krimen at doon lumabas na marami-rami na rin pala itong kasong na-dismiss dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel