Angel Locsin cries foul over PNP Spokesperson’s statement on Jonel Nuezca

Angel Locsin cries foul over PNP Spokesperson’s statement on Jonel Nuezca

- Si SMSgt. Jonel Nuezca ay nasa kulungan dahil sa pagpaslang niya sa isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac

- Kaugnay nito, sinabi ni PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Ildebrandi Usana na hindi raw konektado sa performance ni Nuezca bilang police officer ang ginawa niyang krimen

- Suggestion din daw ng nakatataas sa PNP na maging mahinahon ang kapulisan

- Hindi natuwa si Angel Locsin sa mga komentong ito ni Usana ukol kay Nuezca

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si SMSgt. Jonel Nuezca ay pinag-usapan ng maraming Pilipino dahil sa pagpaslang niya sa isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Binaril ni Nuezca si Sonia Gregorio, 52, at ang anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25, matapos mag-away sa bahay ng mga biktima.

Angel Locsin cries foul over PNP Spokesperson’s statement on Jonel Nuezca

Photo: Jonel Nuezca (via Peach Prosa)
Source: Facebook

Sinabi kamakailan ni PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Ildebrandi Usana na hindi raw konektado sa performance ni Nuezca bilang police officer ang ginawa niyang krimen. Dagdag pa ni Usana, suggestion daw ng nakatataas sa PNP na maging mahinahon ang kapulisan.

Jonel Nuezca, emosyonal na sinabing nais niyang ituwid ang kanyang pagkakamali

Dahil sa mga komento niyang ito, nag-post si Angel Locsin upang sabihing konektado pa rin sa pagiging police officer ang ginawa ni Nuezca kahit off-duty siya nang panahong ginawa nya ang krimen. Ito ay dahil sinbukang arestuhin muna ni Nuezca ang kanyang biktima na si Frank Anthony.

Sinabi rin ni Locsin na hindi raw dapat suggestion lamang ang pagiging mahinahon ng kapulisan kundi ito ay dapat daw mandatory.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Angel Locsin cries foul over PNP Spokesperson’s statement on Jonel Nuezca

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jonel Nuezca ay ang suspek sa pagbaril sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac. Isa siyang pulis na assigned sa Parañaque City Crime laboratory.

Naging laman siya ng headlines matapos kumalat ang video ng kanyang pagpaslang sa nasabing mag-ina. Makikita sa video na nakayakap si Sonya sa kanyang anak nang sila ay barilin ng pulis.

Asawa ni Frank Gregorio, humagulgol sa kanyang unang video interview

Tumakas noong una si Nuezca pero ito ay sumuko rin sa mga awtoridad sa Pangasinan. Ito ay kinumpirma ni Paniqui Police Chief Lt. Col. Noriel Rombaoa.

Ang pinag-mulan ng away nila Nuezca at ang Gregorio family ay ukol sa “right-of-way” at sa “boga.” Ang boga ay isang noisemaker na gawa mula sa PVC pipe.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel