Video ng pag-sermon ni PRO3 Regional Director kay Jonel Nuezca, viral na

Video ng pag-sermon ni PRO3 Regional Director kay Jonel Nuezca, viral na

- Si SMSgt. Jonel Nuezca ay ikinulong dahil sa pag paslang niya sa isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac

- Sinermonan ni PRO3 Regional Director P/BGen. Val de Leon si Nuezca dahil sa kanyang krimen

- Nakiusap din si Nuezca na tulungan siya ni De Leon sa video ng kanilang pag-uusap

- Sumagot si De Leon na wala siyang maitutulong maliban na sa tulong sa kanyang asawa’t anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si SMSgt. Jonel Nuezca ay naging laman ng balita sa Pilipinas dahil sa pagpaslang niya sa isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Binaril ni Nuezca si Sonia Gregorio, 52, at ang anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25, matapos mag-away sa bahay ng mga biktima.

Video ng pag-sermon ni PRO3 Regional Director kay Jonel Nuezca, viral na

Photo: Jonel Nuezca (via Peach Prosa)
Source: Facebook

Sa isang video na pinost ng News5, sinermonan ni PRO3 Regional Director P/BGen. Val de Leon si Nuezca dahil sa krimen na kanyang ginawa.

Gregorio family members, pinuri ang ugali nila Sonia at Frank Anthony

Mapapanood din sa nasabing video na nakiusap si Nuezca na tulungan siya ni De Leon pero sumagot ito na wala siyang maitutulong maliban na sa kanyang asawa’t anak.

“Galit na galit lahat ng tao sa'yo. 'Yan ang pagsisihan mo, wala ka nang kakampi sa ginawa mong 'yan,” sinabi ni De Leon kay Nuezca.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang video mula sa Facebook page ng News5:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jonel Nuezca ay ang suspek sa pagbaril sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac. Isa siyang pulis na assigned sa Parañaque City Crime laboratory.

Naging laman siya ng headlines matapos kumalat ang video ng kanyang pagpaslang sa nasabing mag-ina. Makikita sa video na nakayakap si Sonya sa kanyang anak nang sila ay barilin ng pulis.

Jonel Nuezca, nagpayahag ng pagsisisi sa unang interview

Tumakas noong una si Nuezca pero ito ay sumuko rin sa mga awtoridad sa Pangasinan. Ito ay kinumpirma ni Paniqui Police Chief Lt. Col. Noriel Rombaoa.

Ang pinagmulan ng away nila Nuezca at ang Gregorio family ay ukol sa “right-of-way” at sa “boga.” Ang boga ay isang noisemaker na gawa mula sa PVC pipe.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel