Xander Ford, nakalaya matapos makapagpiyansa ng P18,000 ng kanyang talent agency

Xander Ford, nakalaya matapos makapagpiyansa ng P18,000 ng kanyang talent agency

- Nakalabas na ng kulungan si Xander Ford matapos na makapagpiyansa ng P18,000 sa tulong ng kanyang talent agency

- Dinakip si Xander noong Disyembre 22 dahil sa isinampang kaso ng kanyang dating girlfriend na si Ysah Cabreja

- Nilabag umano ni Xander ang RA 9262 o Violence Against Women and their Children dahil sa nagawa sa dating nobya

- Nagsisisi umano siya sa nagawa at handa raw siyang makipag-ayos sa kanyang dating nobya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakalabas na ng kulungan si Marlou Arizala o mas kilala bilang si Xander Ford matapos ang nasa isang araw na pagkakakulong sa Tondo Manila Police Station.

Nalaman ng KAMI na ang kanyang talent agency na Star Image Artist Management ang nagpiyansa ng halagang P18,000 upang makalaya ang online personality.

Si Xander ay nadakip nitong Disyembre 22 ng gabi dahil sa isinampang kaso ng kanyang dating nobya na si Ysah Cabreja.

Read also

Jonel Nuezca, nagpayahag ng pagsisisi sa unang interview

Xander Ford, nakalaya matapos magpiyansa ng P18,000
Xander Ford Photo: Screengrab from Star Image Artist Management
Source: Facebook

Nilabag umano nito ang RA 9262 o Violence Against Women and their Children dahil sa mga inaakusa sa kanya ng kanyang dating nobya.

“Nagsisi po ako kasi sa mga nagawa ko po. Handa po akong makipag-ayos po kay Ysah, sa ex-girlfriend ko, and lubos po akong nagisisi sa mga nangyari po sa aming dalawa," pahayag ni Xander.

Paglilinaw pa ng kanyang talent agency, magkakaroon pa ng hearing ang kaso ni Xander at dadaan pa rin ito sa proseso.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Sana po we hope na magkaroon ng magandang usapan ang parehas na kampo para maayos na po ngayong bagong taon," pahayag naman ng Star Image general manager David Cabawatan.

Kasama rin sa pagsundo ang ina ni Xander na si Merly Arizala na nagpapasalamat at makakapiling nila ang anak ngayong Kapaskuhan.

Dahil sa naka-live sa Facebook page ng talent agency ni Xander ang kaganapan ng kanyang paglaya, marami ang agad na nakapagkomento sa video at nagsasabing magpakabait na raw ang controversial socmed personality.

Read also

Pulis sa viral video, nagsisisi sa nagawang krimen ayon sa Police official

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Xander Ford ay isang intenet celebrity na gumawa ng ingay sa social media matapos na sumailalim sa plastic surgery na napanood at nasubaybayan noon sa programang Rated K.

Marami-rami nang kontrobersya ang kinasangkutan ni Xander at isa na rito ay nang dumulog ang kanyang dating nobya na si Ysah Cabreja sa programa ni Raffy Tulfo. Inireklamo siya nito ng pang-aabuso kaya dahilan upang masampahan si Xander ng kaso.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel