Kapatid ni Sonya Gregorio na may-ari ng lupang ipinagbili kay Jonel Nuezca, nagsalita na

Kapatid ni Sonya Gregorio na may-ari ng lupang ipinagbili kay Jonel Nuezca, nagsalita na

- Nagbigay ng pahayag ang kapatid ni Sonya Gregorio, isa sa napaslang ni Police SMSgt. Jonel Nuezca noong Disyembre 20

- Siya umano ang may-ari ng lupa na ipinagbili ng mga Gregorio sa pulis na si Nuezca

- Idinetalye nito kung paanong nagkaroon ng problema ang pagpapagawa ng titulo ng lupa na siyang pinag-ugatan ng alitan ng dalawang pamilya

- Nagsisisi umano ang kapatid ni Sonya na sa ganoong tao niya naipagbili ang lupa na hahantong pa sa kamatayan ng kanyang kapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsalita na ang kapatid ni Sonya Gregorio na si Rosario Gundran kaugnay sa bentahan ng lupang naging sanhi umano ng iringan ng mga Gregorio at ni Police SMSgt. Jonel Nuezca.

Nalaman ng KAMI na si Gundran ang may-ari ng lupang binibili noon ni Nuezca upang magkaroon siya ng right of way.

Jonel Nuezca, nagpayahag ng pagsisisi sa unang interview

"Ako ang ugat ng problemang iyan, dahil yung binebentang lupa, sa akin," pahayag ni Gundran sa panayam sa kanya ng Radyo Inquirer.

Kapatid ni Sonya Gregorio na may-ari ng lupang ipinagbili kay Jonel Nuezca, nagsalita na

Police SMSgt. Jonel Nuezca Photo from Peach Prosa
Source: Facebook

"Komo yang pulis na yan, naghahanap sila ng mabibiling lupa dahil talagang wala silang right of way dahil yan lang sila kaya lang wala silang dadaanan kundi dadaan sila sa lupa ko, hindi naman pwede," ani Gundran.

Wala na si Gundran sa lugar at may sariling lupa at bahay na umano ito sa Bulacan kaya naman pumayag na itong ipagbili ang kapirasong lupa niya.

"Dahil andun kami sa Marilao naman sa Emerson Subdivision, may bahay at lupa naman ako dun, I don't need the lupa naman, sige na ipagbili mo na," paliwanag ng kapatid ni Sonya.

Subalit dahil sa lockdown at kagagaling lang umano sa stroke noon ni Gundran, hindi raw ito nakapunta mismo sa Tarlac para sa mga papeles at titulo kaugnay sa lupa. Doon daw nagmula ang problema at inakala umano ng kampo nina Nuezca na niloloko lamang sila ng mga Gregorio.

Raffy Tulfo, nagpaabot ng tulong sa mga naulila ng mag-inang Gregorio

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sinabing natapos naman ang kasong ito lalo pa at naibalik naman ni Sonya ang P40,000 na ibinayad sa kanila ni Nuezca. Ito raw ang sinasabing sama ng loob ng pulis dahil natalo umano ito sa kasong estafa na isinampa laban kay Sonya.

Gayunpaman, nagsisisi si Gundran na kay Nuezca pa nila naipagbili ang lupa na hahantong pa sa pagpaslang sa kanyang kapatid.

"Ang pinagsisisihan ko ay bakit ang nakabili pa na tao ay ganyan, bakit ganyan ang tao"

"Sana naman, ito lang ang panalangin ko at hinihingi ko, huwag nilang payagang ma-dismiss itong kasong ito dahil baka mas maraming buhay ang kukunin niya"

"Hindi ba sila tao, wala ba silang buhay?"

"Kahit 10,000 pa siyang magsisi sa ginawa niya, wala na, nangyari na," ang emosyonal na pahayag ng kapatid ni Sonya.

Kaanak ng misis ni Nuezca, ibinahagi kay Raffy Tulfo ang ugali ng mag-asawa

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Disyembre 20 nang makunan ng video ang aktwal na pamamaslang ni Police SMSgt. Jonel Neezca sa mag-inang sina Sonya at Frank Gregorio sa harap mismo ng kanilang tahanan sa Paniqui, Tarlac.

Nagpaputok umano ng boga si Frank na ikinainis ni Nuezca kaya napasugod ito sa mga Gregorio. Nagkainitan lalo ang magkabilang panig nang ayaw sumama ni Frank kay Nuezca lalo na nang makisali pa sa gulo ang anak ng pulis.

Ilang oras matapos ang krimen, kusang sumuko ang suspek na pulis sa awtoridad at ngayo'y mahaharap sa kasong double murder.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel